^

PSN Showbiz

Happy Birthday, sir Miguel!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Happy Birthday, sir Miguel!
Miguel Belmonte

Gusto kong batiin ng Happy Birthday si Papa Miguel Belmonte. Belated na actually.

Si Papa Miguel na siguro ang pinakamabait na Big Boss sa lahat’ di ba, Salve at Gorgy Rula?

Napakapasensyoso at talagang protected niya ang mga empleyado at writer niya. Kahit kelan hindi niya tayo inilaglag ‘pag meron tayong mga trouble na hinaharap.

Naalala ko pa na talagang kahit anong reklamo sa atin pa rin siya kampi. Imposible na hindi mo mahalin sila ni Millette, ang asawa ni Papa Miguel na para ring mother figure sa lahat ng writers ng The PhilSTAR Media Group.

Kung siguro itatanong kung sino ang pinakamabait na Big Boss sa lahat, sure akong walang tatalo kay Papa Miguel Belmonte. Isali mo pa na ang bait sa atin ng father niyang si dating Mayor / Cong. Sonny Belmonte at ng kapatid niyang si QC Mayor Joy Belmonte.

Never siguro magiging iba ang loyalty ng mga nagtratrabaho sa kanya dahil sa malaking respeto at pagmamahal nila sa isang Miguel Belmonte.

Happy Birthday, Big Boss, forever mo kaming fan na magmamahal at lagi kang ipaglalaban.

Walang tatalo sa kabaitan mo at perfect Big Boss ka sa aming lahat.

May your tribe increase, and may you forever be our Big Boss Papa Miguel.

We love you, forever. Promise.

(Happy birthday, Sir Miguel. Salamat po sa lahat-lahat po. – SVA)

Derek at Ellen, naglampungan sa spain

Ang bongga naman ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na kasalukuyang nasa Barcelona base sa mga post ng aktor.

Ipinost ni Derek ang mga litrato nila ng misis sa kalye ng Barcelona.

Tila naglalampungan ang dalawa sa kanilang mga litrato kung saan hitsurang hahalikan ni Derek ang nanay ni Elias.

Makikita sa dalawa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Simple lang ang caption ni Derek na puro emoji ng smiling faces na may mga puso. Nagkomento naman si Ellen ng “sweet escape” na tinutukoy ang mga litrato nila.

Nasa Spain pala ang pamilya nila para iselebreyt ang birthday ng nanay ni Derek.

Kaya naman siguradong nganga ang mga basher na nagsasabing maghihiwalay rin sila dahil pinatutunayan nila na matibay pa rin ang relasyon nila.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

HAPPY BIRTHDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with