Eddys 2023 sina Janine at Max ang best actress, 2 best films!
Sa bihirang pagkakataon sa isang awards night, dalawa ang nanalong best actress at best picture sa ginanap na Entertainment Editor’s Choice Awards / The 6th Eddys ng Society ng Philippine Entertainment Editors (SPEED) noong Linggo ng gabi sa Aliw Theater.
Nag-tie sa Best Picture ang Blue Room ni Direk Ma-an Asuncion Dagñalan at Family Matters ng CineKo Productions.
Nag-tie rin sina Janine Gutierrez at Max Eigenmann para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin kung saan ginampanan ni Janine ang character ng isang deaf mute na tinanggap ng kanyang inang si Lotlot de Leon ang tropeo.
Si Max ay nanalo para sa pelikulang 12 Weeks na naunang pinarangalan sa ibang bansa. Si Max ay anak ng nasirang magaling na actor Mark Gil.
Personal na tinanggap ni Max ang kanyang Best Actress trophy at inialay niya ito sa ina, ang dating beauty queen at aktres na si Bing Pimentel.
Samantala, nanalo namang Best Actor ngayong taon si Elijah Canlas para sa naging performance niya sa Blue Room na hindi rin nadalo.
Si Mon Confiado ang nagwaging Best Supporting Actor para sa Nanahimik ang Gabi. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakakuha ng kaparehong award ang aktor sa The EDDYS, nauna na sa pelikulang Arisaka.
Maluha-luha ring tinanggap ni Nikki Valdez ang kanyang Best Supporting Actress award para sa Family Matters habang si Nuel Crisostomo Naval ang nag-uwi ng Best Director trophy para pa rin sa Family Matters.
Nagsilbi namang hosts ng awards night sina Piolo Pascual at Iza Calzado mula sa direksyon ni Eric Quizon.
Si Pops Fernandez ang humataw sa opening production number habang naghandog din ng bonggang performance si Darren Espanto at ang grupong Calista.
Para naman sa pagbibigay-tribute sa mga yumao nang personalidad na bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino, naghandog ng awitin ang King of Pinoy Teleserye Theme Song si Erik Santos.
Ang iba pang nanalo ay ang mga sumusunod :
Best Screenplay : Mel Mendoza del Rosario -Family Matters
Best Cinematography : Moises Zee - Nanahimik ang Gabi
Best Production Design : Marxie Maolen Fadul - Blue Room
Best Editin : Vanessa de Leon - Blue Room
Best Musical Score : Jazz Nicolas and Mikey Amistoso - Blue Room
Best Sound : Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks - Nananahimik ang Gabi
Best Visual Effects : Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor at Geraldine Co - Live Scream
Best Theme Song : Sa Hawak Mo (Family Matters) composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena
Special Awards :
The EDDYS Icons — Niño Muhlach, Aga Muhlach, Snooky Serna
Isah V. Red Award – Coco Martin and Piolo Pascual
Joe Quirino Award — Aster Amoyo
Manny Pichel Award — Ed de Leon,
Rising Producer of the Year — Mavx Productions
Producer of the Year — Viva Films
- Latest