^

PSN Showbiz

Produ ng IHME, nagkaroon ng slight depression

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

May tama sa puso ang pelikulang In His Mother’s Eyes. Nakaantig sa trailer pa lang.

Kaya naman milyun-milyon kaagad ang views ng pelikulang isang family drama na kuwento ng magkapatid at mag-ina na naghiwalay ng landas dahil sa ilang pangyayari sa buhay na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Roderick Paulate (magkapatid). At mas nagpaganda sa kuwento nito ay ang character ni L.A. Santos na may Autism spectrum disorder na gumaganap na anak ni Marya.

Sa totoong buhay ay may condition si L.A. pero pinatunayan niya sa pelikula na kaya niyang makipagsabayan sa mahuhusay na actor.

Kaya naman malaki talaga ang panghihinayang ng mommy ni L.A. na si Flor Santos na hindi ito napasama sa mga pelikulang ipalalabas sa Pasko.

 Isinulat ito ng mahuhusay na sina Gina Marissa Tagasa at Jerry Gracio.

“Grabe itong pelikulang ito.

“Ito ‘yung pelikula na gusto mong iparamdam sa mga Pilipino kung ano talaga ang special child, ang isang nanay, kaya masakit talaga na hindi ito nakasali sa MMFF. Pinagpag-pray namin ito at meron siyang ibang plano, at ito ‘yun,” pahayag pa ni Mommy Flor.

“So, medyo na-depress ako nu’ng hindi (napili). Pero I think there’s something in it. Pinagdasal natin ‘to, hinulog nu’ng nasa Itaas ‘to what will happen today kasi siguro mas marami tayong maaakap sa movie na ‘to,” pahayag pa ng 7K Entertainment producer at butihing ina ni LA.

 Pinasalamatan naman niya sina Marya at Kuya Dick sa pagpayag na gawin ang IHME.

“Sa movie na ‘to, sabi ko nga, pwede na siguro akong matapos sa… ayoko na. Hindi naman sa ayaw ko na, kasi ‘pag napanood n’yo ‘yung movie, hindi si LA. ang aakapin n’yo dito. Parang aakap kayo sa isang kagaya niya na hindi makita, hindi mailabas ang pagmamahal.

“‘Yung pagmamahal na ‘yon na kayang ilabas sa tulong pala ng magulang. Ilalaban ng magulang, ilalaban ng kung sino ang mahal sa paligid niya.”

Kasama rin sa pelikula sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Vivoree, at marami pang iba.

Mapapanood na ito sa mga sinehan simula Nov. 29.

vuukle comment

DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with