^

PSN Showbiz

Mikael, ‘di si Megan ang paboritong leading lady!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mikael, �di si Megan ang paboritong leading lady!
Mikael, Megan, Rhian at Andrea

Kinaaliwan si Mikael Daez sa kanyang post kung saan kasama niya ang kanyang leading ladies.

Ibinahagi ng Kapuso actor ang litrato niya kasama ang misis na si Megan Young, at mga naging leading ladies na sina Rhian Ramos and Andrea Torres.

Nilantad niya na sa mga nakatrabaho niya ay meron siyang paborito. Caption niya, “The three leading ladies I’ve worked with the most pero syempre may favorite ako dyan.”

Kaya naman siguradong marami ang na-curious kung sino nga ba sa kanila ang paborito niya.

Pero dagdag niya, “#YungMayHawakNaPayong,” na ang tinutukoy ay ang lalakeng nagpapayong sa tatlong magagandang aktres.

Kaya naman natawa ang mga kaibigan at netizens sa nilantad niya gaya na lamang ni Rhian na napakomentong, “Hahaha kainis”

Kamakailan ay nagtambal ang mag-asawang Mikael at Megan na gumanap bilang mag-asawa sa Royal Blood. Habang sina Andrea at Rhian naman ay nakatrabaho niya sa seryeng Dangwa and The Stepdaughters.

‘No more pain, no more anxiety’

Siguro dahil sa mga nangyayari around us, medyo affected ang Christmas natin.

Imagine mo na Dec. 23/30 meron akong dialysis. Naku huwag sana akong topakin na baka hindi ako pumunta dahil talagang parang hindi ko matanggap na Christmas season pero nasa hospital ako.

‘Kainis ‘di ba, kaya sana nga maging maganda ang mood ko, kundi, absent talaga ako. Up to now talagang hindi ko pa matanggap na nangyayari ito sa akin, kaya nga in denial pa rin ako sometime.

Basta I will try to be happy this season, no more pain, no more anxiety. Harbat na lang ako, hah hah.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with