^

PSN Showbiz

Tali, Little Bossing sa school!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tali, Little Bossing sa school!
Tali

Ang cute naman ng daughter nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali sa kanyang Halloween costume.

Nag-ala Princess Jasmine siya mula sa Walt Disney’s Aladdin suot ang turquoise off-shoulder and harem pants outfit.

Lutang naman ang pagiging stage mom ni Pauleen at dinisplay niya ang mga litrato ng panganay na anak sa social media.

Talagang nag-effort ang mommy ni Tali sa kanyang outfit at may suot pa itong wig sa photos nito.

Caption ni Pauleen, “As Princess Jasmine for their school’s Hallo­ween celebration.”

Nakita naman ng netizens sa in-upload ni Pauleen na mga litrato habang nagti-trick or treat ito ang malaking pagkahawig nito sa daddy Vic niya at tinawag pa siyang “Little Bossing.” Meron daw kasi itong litrato kung saan kamukhang-kamukha raw nito ang tatay niya nung bata pa rin ito.

Kasalukuyan namang buntis ang misis ni Bossing sa second baby nila na isisilang first quarter next year.

Kaya naman excited ang fans kung sino naman ang magiging kamukha ng kapatid ni Tali.

vuukle comment

CHILD

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with