^

PSN Showbiz

John Lloyd, niligtas ni Elias!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, niligtas ni Elias!
John Lloyd at Elias
STAR/ File

Wala talagang makakatalo sa pagiging isang ama para kay John Lloyd Cruz.

Ikinuwento ni John Lloyd kay Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang pagliligtas sa kanya ng anak sa dating karelasyong si Ellen Adarna na si Elias. Hindi niya raw alam kung paano magpapatuloy sa buhay kung hindi dumating ang anak. “Niligtas niya ‘yung buhay ko,” bahagi niya.

Dagdag niya pa, “Hindi ko ma-imagine ‘yung buhay ko kung paano (magpapatuloy) kung hindi (siya) dumating.”

Laking pasasalamat niya sa anak at sobrang suwerte ng kanyang pakiramdam bilang tatay nito. Ang dami raw binago nito sa kanyang buhay at nagbago rin ang kanyang pananaw mula nang dumating ito sa buhay niya. “Ang lupit nung naging role niya sa buhay ko,” he said. “Ang dami niyang binigay na bago, bagong kahulugan, bagong duties, all of a sudden iba na ‘yung tingin mo sa lahat.”

Nagpapasalamat din siya kay Ellen at sa mister nito ngayon na si Derek Ramsay sa pag-alaga sa anak nila.

Si Ellen na rin mismo ang nagsabi na hindi nagkukulang si John Lloyd sa pagbibigay ng financial support sa anak.

Samantala, kailan lamang ay inamin na rin ng aktor ang karelasyon nitong si Isabel Santos.

‘Swerte sa friends’

Ang suwerte namin nina Gorgy at Salve sa friends. Imagine mo isa sa friends namin si Tet ay napakahusay sa lahat ng bagay.

Si Faye napaka-generous na friend. Kahit anong meron siya, binibigyan niya kami, kahit fish na makita niya na baka type namin, padala agad. Medyo nagkaroon ng gap si Marivic sa friends namin.

Si Hazel na talagang sobra sa generosity at pagiging charitable grande rin bilang friend. Kaya nga siguro ‘yung team namin nina Pat-P Daza, Gorgy at Salve maituturing na luckiest team Sushi talaga. We have the best connection, the best of friends, at solid tayo as team.

So now, handa na si Pat-P sa Christmas lunches na ngayon pa lang nakaplano na.

vuukle comment

ELIAS

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with