^

PSN Showbiz

JK, trending ang duet sa Danish pop band

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
JK, trending ang duet sa Danish pop band
Lukas Graham at JK Labajo

Ang bongga pala ni JK Labajo. Nakasama pala niyang mag-perform ang Danish pop band na Lukas Graham sa concert nito sa Manila.

Sinorpresa ng banda ang kanilang fans nang dalhin nila si JK at nakipag-duet at kinanta ang kanta nitong Ere pati na rin ang kanta nilang Love Someone.

Ipinost din ng Island Records Philippines sa TikTok ang buong performance ng dalawa.

Nagsimula ito nang magkomento si JK na excited na siya sa concert ng Danish pop band at sinagot siya nito ng “Hey JK! Why not come and perform this song with me instead?” at inimbitahan na nga sa concert.

Umabot na sa 1.9 million views ang TikTok video na ito wala pang isang araw nang i-upload ito.

Samantala, kilala naman ang banda ni Lukas sa mga hit song nitong 7 Years, Mama Said, Love Someone at iba pa.

Maraming fans naman ang napa-sana all dahil hindi inasahan ang duet nilang dalawa.

Bongga. Hahaha. ‘Di ba kilala ko sila. Hahaha.

vuukle comment

JK LABAJO

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with