^

PSN Showbiz

Julia, walang masabi sa suporta ni Kathryn; Miles at Elijah, split na?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julia, walang masabi sa suporta ni Kathryn; Miles at Elijah, split na?!
Julia, Alden at Direk Irene

MANILA, Philippines — Star-studded ang premiere night ng pelikulang Five Breakups And A Romance nina Julia Montes at Alden Richards na ginanap sa Cinema 3 ng SM Megamall nung Martes ng gabi.

Maaga pa lang ay namataan na namin sina Lorna Tolentino, direk Gina Alajar at Jaclyn Jose, pati GMA executives na sina Atty. Annette Gozon-Valdez, Joy Marcelo at Tracy Garcia.

Ilan sa Kapuso stars na sumuporta ay ang magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali, Sanya Lopez, Dion Ignacio, Kelvin Miranda na kasama naman si Jane de Leon.

Nandun din ang mga talent ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sina Kyle Echarri, Elijah Canlas, Empoy Marquez, Inigo Pascual at marami pa.

Safe ang sagot ni Elijah nang tinanong namin tungkol kay Baron Geisler na napabalitang tatanggalin na raw sa Senior High.

“Okay kami! We’re good. Tatay ko ‘yun e. Paps tawag ko diyan,” safe niyang sagot.

Tinanong pa rin namin kung nakakasama pa rin ba nila sa taping.

“Opo kasama po,” mabilis niyang sagot.

Kunsabagay, nag-tweet naman Baron nung kamakalawa lang na nasa set siya ng Senior High, at ang nasa caption nito, “Eto oh. Saya sa set. We take our jobs seriously.”

Kinulit ko ulit si Elijah ng tungkol naman sa kanila ni Miles Ocampo kung sila pa ba.
Pero napangiti lang si Elijah na sinabi lang niyang “okay naman po.”

Sobrang tuwa naman ni Julia Montes sa pagdating ni Kathryn Bernardo para suportahan ang kanilang pelikula.

Kasama ni Kathryn si Miles Ocampo na binanggit sa aming galing daw sila sa trabaho.

Sumingit kami ng tanong kay Miles tungkol sa kanila ni Elijah.

Alam niyang nandun ang aktor kasama si Kyle.

“Galing po kaming trabaho. Magkasama po sila ni Kyle,” napangiti niyang pakli.

Pero tinanong ko pa rin kung okay ba sila ni Elijah.

“Yes po,” kaagad niyang sagot.

Sinundan ko ng tanong, bakit may balitang break na raw sila. Sila pa rin ba?

“Sino ang nagsabi? Itanong n’yo po siya.”

Nakakatuwa ang suportahan ng magkaibigang Julia at Kathryn, dahil dumating din noon si Julia sa premiere night ng A Very Good Girl.

“Naglakad ako dito for Kathryn, and ngayon naglalakad ako for the film. Iba pala ‘yung feelings. Ang sarap, ang sarap ng pakiramdam, and na-miss ko rin,” bulalas ni Julia.

Nagpasalamat siya sa suportang ibinigay sa kanya ni Kathryn para sa pelikulang ito nila ni Alden.

“Wala akong masabi. Ako, I’m very blessed to have Kathryn, and ‘yung genuine friendship namin built since Mara Clara pa. Hindi lang showbiz kundi talagang super ano na...” dagdag niyang pahayag.

Kagaya ni Julia, sobrang excitement din ang naramdaman ni Alden.

More than 220 cinemas ipalalabas ang pelikula nilang Five Breakups And A Romance.

Anong nararamdaman niya?

“Halu-halo po. Pero importantly po very excited and finally mapapanood na po sa mga sinehan ito,” pahayag ni Alden.

“This time siguro super excited. This film made me realized a lot of things,” sabi naman ni Julia.

Nagbukas na kahapon ang naturang pelikula at dito mapapanood ang proseso ng paghihiwalay, ang pinagdadaanan ng mga magkarelasyon kapag umabot sa desisyong maghiwalay na.

Magaling sina Julia at Alden, at talagang hindi pa sumasabit si direk Irene Villamor sa mga pelikulang nagawa niya.

Ate Vi, biglang preno sa bagong gagawin

Nakakalungkot lang dahil hindi magtatapat sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Pasok ang When I Met You In Tokyo ni Ate Vi kasama si Christopher de Leon, pero hindi ‘yung Pieta ni Nora Aunor kasama si Alfred Vargas.

Dapat ay sisimulan na pala ni Ate Vi ang isa pang pelikulang tinanggap niya. Pero dahil sa magpu-focus siya ngayon sa promo para sa MMFF, hindi na raw muna niya itutuloy.

Pero tiyak na pag-uusapan itong susunod na gagawin ni Ate Vi dahil napaka-kontrobersyal ng magdidirek sa kanya.

Inaasahang mag-guest ang Star For All Seasons sa last day ng It’s Your Lucky Day para mag-judge sa singing competition nilang Star For All Seasons.

Nandiyan siyempre ang suporta niya sa programa ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Nakakatuwa ang post ni Ate Vi sa kanyang Instagram account na karga ang first apo niyang si Peanut.

“Our Lucky Charm” ang nasa caption na mukhang baliw na baliw si Ate Vi sa kanyang apo.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with