^

PSN Showbiz

Lorna, handa na ulit mag-asawa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna, handa na ulit mag-asawa!
Lorna
STAR/ File

Isa si Lorna Tolentino sa unang nakiramay kay Ms. Charo Santos-Concio na nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang asawang si Cesar Rafael Concio Jr.

Sa Sta. Maria della Strada Church sa Quezon City nakalagay ang labi ni Mr. Concio at sinabi raw kay Lorna ni Charo na na-inspire raw siya sa ginawang pag-alaga ni LT kay Rudy Fernandez nung nakaratay na ito sa sakit na Cancer.

Hindi naman talaga umalis si Lorna sa tabi ni Daboy nung nasa hospital ito hanggang sa iniuwi na nila at pumanaw.

Sabi raw sa kanya ni Charo, sinunod niya si Lorna kung paano ito nag-caregiver sa kanyang asawa hanggang sa pumanaw ito.

Matagal nang biyuda si Lorna at dati ay sinasabi niyang hindi pa siya handang umibig muli at magkaroon ng partner sa buhay. Pero ngayon ay tila handa na ang premyadong aktres.

Ang dami niyang realizations sa buhay sa kanyang pag-iisa, at gusto naman daw niyang magkaroon na siya ngayon ng katuwang sa buhay.

Basta ipinapanalangin na lang ni Lorna na ibigay sa kanya ng Panginoon ang tamang lalaki kahit hindi naman nito maabot ang standard ng namayapang asawa.

Samantala, ang isa pang ipinagpasalamat ni Lorna kay Kuya Rudy ay ang mga kaibigan nitong naging close na sa kanya lalo. Isa na rito si Sylvia Sanchez na talagang pamana raw sa kanya ni Daboy.

Isa kasi si Sylvia sa active noon sa Volleyball tuwing Star Olympics at doon daw naging closed sina Sylvia at Daboy.

Nagpapasalamat si Lorna dahil talagang tinutulungan daw siya ni Sylvia na matuto sa pagpu-produce at pag-distribute ng pelikula. First venture nila itong Japanese movie na Monster na magsu-showing na sa Oct. 11.

Meron pa silang isang naka-line up na i-release sa Nov. 29, ang Silent Night na dinirek ni John Woo.

‘Yun daw talaga ang gusto nilang magaganda at de kalidad na pelikula ang ipu-produce at i-distribute nila para mabalik daw ang interes ng mga tao na manood sa sinehan.

Samantala, hindi pa gaanong nakakapag-tape ngayon si Lorna sa Ang Batang Quiapo dahil naka-focus daw muna sa kuwento ni Coco Martin sa kulungan kasama sina Ivana Alawi at Jaclyn Jose.

Nakapasok na rin sa teleseryeng ‘yun si Deborah Sun sa tulong ni Sen. Lito Lapid.

Sabi ni Lorna nagkaeksena na raw sila ni Deborah at okay naman daw sila. Nakalimutan na raw ‘yung isyu nila noon at tapos na raw ‘yun.

Direk Joel, dumadami ang fans sa Quiapo…

Na-enjoy nang bonggang-bongga ni direk Joel Lamangan ang role niya bilang si Roda sa Ang Batang Quiapo.

Sa rami ng mga pelikulang dinidirek niya, nagagawa pa niyang mag-taping para sa teleseryeng ito ni Coco Martin dahil dito raw talaga lumalabas ang pagi­ging artista niya.

Hindi pa alam kung matitigok na raw ba siya sa Ang Batang Quiapo, pero natutuwa raw siya dahil dumarami ang fans niya, at mataas daw ang ratings sa mga eksena niya.

Proud pa si direk Joel na ang dali pa niyang magkabisado ng lines niya sa script, kaya nai-enjoy pa niya ang pagiging artista niya sa teleseryeng ito.

Dalawang pelikula niya ang isinumite sa Metro Manila Film Festival, ang Lola Magdalena at ang Ang Ina Mo na kakaiba ang tema ng kuwento pero talagang nangyayari hanggang sa ngayon.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with