^

PSN Showbiz

Family Feud ni Dingdong pantanggal ng inip...

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Family Feud ni Dingdong pantanggal ng inip...
Family Feud

Grabe ang tama ng ubo ngayon ha.

Talagang hindi ako makatulog sa ubo kaya grabe antok ko pag umaga.

Buti na lang wala kaming mga lunch date kaya sleeping beauty ako sa umaga.

Ewan ko ba kung bakit naging ganun ako katamad ngayon.

Hahaha. Siyempre dahil sa edad ko.

Saka sa totoo lang, ngayon lang ako nagkakaroon ng ganitong mga health issues.

Kahit nga iyon diabetes ko, 60 years old na ako nagkarun.

Itong mga issue ng hilo now na lang na 76 na ako nakakaranas.

May mga maintenance ako sa blood pressure pero at the age of 60 na ako binigyan ng maintenance ng mga doktor ko.

Laging ok ang mga labtest ko, maliban sa high sugar.

Kaya hindi ako sanay ng may mga discomfort na nadarama ko ngayon.

Lalo pa nga at na-confine dahil sa sama ng katawan.

I feel edgy sa hospital at nati-trigger ang stress ko pag laging check-up ang nurse sa blood pressure ko.

Kaya sana nga, dahil lang sa discomfort ng ubo kaya feeling down ako.

Naku, exciting naman meeting namin sa Wednesday dahil may big reveal tungkol sa mga bali-balita ngayon sa paligid.

Bongga.

Pero happy ako at mapapanood na ulit ang favorite show ko na Family Feud.

Type na type ko ‘to dahil nakakaaliw talaga ang mga tanong.

Ang laki nang nagagawa na mahusay ding mag-host si Dingdong Dantes kaya ganun.

At higit sa lahat pantanggal ko ito ng boredom sa bahay.

Medyo binabawasan ko na kasi ang paglabas, kaya back to K-drama at TV ako.

Masaya rin sa bahay pero may tendency talagang mabugnot ka.

Hay naku. Talagang iba na ang buhay ng matatandang tulad ko. Dusa talaga.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

FAMILY FEUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with