^

PSN Showbiz

Sylvia, Ria, Lorna, tunaw ang puso sa nabiling ‘monster’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, Ria, Lorna, tunaw ang puso sa nabiling �monster�
Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino

Sanib-pwersa sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas ngayong Oktubre ng internationally acclaimed Japanese drama na Monster.

Nag-simula ang partnership nina Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna nuong nakaraang summer, nung sama-sama silang bumiyahe sa Cannes Film Festival sa France para sa scree­ning ng pelikulang Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at dinirek ni Richard V. Somes.

Dito nga nagsosyo ang Nathan Studios at si Lorna sa pagbili ng mga pelikulang kanilang i-rerelease for theatrical showing dito sa Pilipinas.

Sa ilamin ng direksyon ng nirerespeto at multi-awarded direktor na si Hirokazu Kore-eda, tampok sa Monster ang mahuhusay na Japanese actors gaya nina Sakura And?, Eita Nagayama, S?ya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Y?ko Tanaka.

Umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambubully at sinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health.

“Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia na kilala para sa kanyang powerful performances bilang isang ina sa pelikula at telebisyon. “Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-rami ng aking napanood, isa itong Monster na talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina.”

Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang Monster sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kumpanya. “We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers,” banggit ni Ria.

Para naman kay Lorna, na tinaguriang Grand Slam Queen ng Pilipinas, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng Monster, “Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda.”

Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng Monster sapagkat talagang pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso.

“Isa na ito sa pinakamagandang mga pelikula na napanood ko. Mapapa-isip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster,” paglalarawan pa ni Sylvia  na lumaban para sa Palm d’Or sa katatapos lamang na 76th Cannes Film Festival at pinarangalan ng Best Screenplay award.

Bilang isang mga magulang at ina, nagkakaisa ang dalawang mahusay na aktres na karapat-dapat panoorin ng bawat Pilipino ang Monster dahil sa mga aral ng buhay na kanilang matututunan dito.

Para naman kay Ria, may matinding kurot sa puso ang Monster para sa kanya bilang isang anak na may sariling mga pangarap at minimithi sa buhay.

Major shocker ang ending ng pelikula ayon sa ilang lumabas na review matapos nitong yanigin ang buong mundo sa husay ng storytelling at ac­ting na mapapanood dito.

Ipapalabas ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 11 at kasalukuyang naghahanda ang Nathan Studios kasama ang isa pa nitong partner — ang 888 Films International — para sa isang red carpet special screening na dadaluhan ng mga bigating industry personalities gaya ng mga direktor, mga artista, press at online influencers, at mga kritiko ng pelikula.

Ang Nathan Studios ang nasa likod ng mga pinupuring proyekto gaya ng Cattleya Killer na mapapanood ngayon sa streaming platform na Amazon Prime Video; at ang Topakk na isang action-thriller genre film na kasalukuyang umiikot sa mga iba’t ibang prestihiyosong international film festivals sa iba’t-ibang panig ng mundo gaya sa Switzerland, Japan, at Amerika.

vuukle comment

ACTRESS

LORNA TOLENTINO

RIA ATAYDE

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with