^

PSN Showbiz

Senior High available na nang libre at on-demand sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Senior High available na nang libre at on-demand sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia
Senior High

MANILA, Philippines — Available na ang Senior High sa buong mundo nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel – pwede nang magbinge-watch ng pinakabagong episodes ng trending Kapamilya teleserye sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia kung saan week-long episodes ang ipapalabas kada Lunes simula Setyembre 11.

Patuloy na umaani ng papuri ang Senior High para sa mahalagang mensahe ng kwento tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon tulad ng bullying, mental health, peer pressure, substance abuse, at iba pa.

Nakalikom na ito ng pinagsama-samang higit 38 milyong digital views sa YouTube, Facebook, at iWantTFC para sa unang dalawang linggo ng serye.

Sa pinakahuling mga rebelasyon sa Senior High, ibinun­yag na ni Archie (Elijah Canlas) sa lahat ang katotohanang nambabae ang tatay niyang si Harry (Baron Geisler) at ito nga ang totoong ama ng twins na sina Luna at Sky (Andrea). Dahil dito, nanganganib na lalong papahirapan si Sky ng mga bully na sina Archie at Z (Daniela Stranner) ngayong alam na nilang magkakapatid sila.

vuukle comment

SENIOR HIGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with