^

PSN Showbiz

Lorna at Sylvia, abala sa bagong negosyo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lorna at Sylvia, abala sa bagong negosyo!
Sylvia Sanchez at Lorna Tolentino

Sana naman maging tagumpay ang business partnership nina Lorna Tolentino at Sylvia Sanchez.

Kasi sobra ang excitement nilang dalawa sa nabili nilang Monster, isang Japanese movie na talagang feeling nila ay magugustuhan din ng mga manonood dito sa atin.

Talagang seryoso sila sa napili nilang negosyo kaya naman personal nilang pinapanood at pinupuntahan ang mga inaalok sa kanilang movies. Talagang kahit sa Japan pumunta sina Sylvia at Lorna para makipag-usap sa mga ka-business venture nila. At tinitiyak nila na maganda ang napipili nilang movies.

At talagang ayaw nila na maging marami sila sa negosyo nila dahil nga mas magulo. Sobrang serious talaga lalo na si Sylvia kaya sure na magiging jackpot ang venture nila.

Pagdiriwang ng pasko, nagbago na rin

Talagang nakakatamad ang panahon ngayon.

Sobra ang ulan at parang tatamarin kang tumayo sa pagkakahiga. Ewan ko kung paano ka nakakapagtrabaho sa ganitong panahon.

Talagang kundi lang importante ayaw ko na ring pumunta sa dialysis session ko.

Pero buti nga at nauuna na ang masamang panahon ngayon at maging maganda na sana sa December. Dahil killjoy naman kung sa Pasko ganito ang panahon.

Hay naku, talagang mami-miss mo ang mga happy December dahil na rin sa kakaibang mga pangyayari ngayon. Lalo pa nga at hindi mo nadarama ‘yung dating hustle and bustle ng productions sa paggawa ng festival movies. Ngayon wala kang idea kung may sasali sa filmfest dahil tahimik lang lahat.

Sana naman maging maganda pa rin ang Kapaskuhan para sa lahat.

Ngayon pa lang, Merry Pasko na ang bati ko, bongga.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with