^

PSN Showbiz

Mga nabiktima ng investment scam,  bibida sa Missing Husband

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga nabiktima ng investment scam,  bibida sa Missing Husband
Sophie
STAR/ File

Paano pa ba babangon ang isang pamilya matapos mawala ang lahat sa investment scam?

Mapapanood simula ngayong araw, Agosto 28, ang isang kakaibang kwento ng action suspense drama sa GMA Afternoon Prime, ang The Missing Husband na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi bilang Millie, Jak Roberto bilang Joed, Sophie Albert bilang Ria, Joross Gamboa bilang Brendan, at Rocco Nacino bilang Anton.

Ang The Missing Husband ay sumusunod sa kuwento ng mga OFW sa Qatar, na nakipagsapalaran na magtrabaho sa ibang bansa upang makaipon ng sapat na pera para sa kanilang kinabukasan.

Gayunpaman, nagulo ang kanilang mga plano nang mabuntis ang ginampanang papel ni Millie.

Sinisikap nilang magsimulang muli sa Pilipinas. Pagkatapos magpakasal, nag-sign up ang dalawa para sa isang investment opportunity. Ini-invest ni Anton ang lahat ng kanilang naipon sa buhay at nag-imbita ng iba pang sumali.

Pero hindi nagtagal, nalaman ni Anton (Rocco) na ang negosyo ay isang scam. Nawala ang lahat ng pinaghirapan nilang ari-arian, na nagdulot ng gulo sa kanilang pagsasama. Naging mas komplikado ang mga bagay nang magsimulang makatanggap si Anton ng mga death threat mula sa mga inimbitahan niya sa investment scheme.

Nangako si Anton kay Millie na aayusin niya ang lahat. Hanggang isang umaga, nawala si Anton, nag-iwan ng dugo sa buong kusina nila. May nagtangkang pumatay sa kanya? O bahagi ba ito ng plano niyang pagtakas? Saan makikita ni Millie ang nawawalang asawa?

Biktima ng totoong scam si Rocco.

Inamin niyang kasama siya na-scam at aniya marami talagang interesado sa get-rich-real-quick kaya nahuhulog sa ganitong scam.

Well, hindi lang si Rocco.

Sa totoo lang, maraming makaka-relate sa kuwentong ito dahil lately ay hindi talaga mabilang ang nabibiktima ng investment scam.

May isang kakilala ako ng halos P40 million ang hinahabol na investment sa kanyang kaibigan na nag-encourage sa kanyang mag-invest. Nag-aaway na sila ngayon ng kanyang mister dahil wala sa kanyang bumabalik na pera.

Lifetime savings ng kanilang pamilya ang nasabing pera.

Diumano’y ganito rin ang naging karanasan ni Tom Rodriguez.

Nabiktima rin ng investment scam si Luis Manzano.

At hindi basta maliit na halaga ang nawawala sa mga investor, lifetime savings nila.

vuukle comment

ROCCO

SOPHIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with