^

PSN Showbiz

Kabayan, nabiktima ng ‘cut and paste’ o ‘splice’ ayon kay Arnold!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kabayan, nabiktima ng �cut and paste� o �splice� ayon kay Arnold!
Noli
STAR/ File

May pahabol na pagtatanggol si Arnold Clavio sa kapwa niya broadcaster na si Noli de Castro na nakatikim ng matinding pang-aalipusta dahil sa maiksing komento sa TV Patrol tungkol sa kasal nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza at bagyong Egay na naganap a week ago.

Binalikan ni Igan ang nasabing segment kung saan nadiin nang husto si Kabayan sa pagkokomento.

“Si De Castro ba ay biktima ng ‘cut and paste’ o ‘splice’ na layong magkalat ng misinformation sa social media.

“Ang prosesong ito ay ang pagpili lamang ng bahagi ng kabuuang video ng isang vlogger , influencer o content creator at gawing kontrobersyal at mapanood ng maraming netizen.

“Mas maraming viewer , mas malaki ang kita .

“Pinanood ko ang buong video ng segment kung saan nagba-banter si De Castro at iba pa niyang co-anchor na sina Karen Davila, Bernadeth Sembrano at Henry Omagadiaz .

“Sa puntong binabahagi na nina Davila at Sembrano ang sarili nilang wedding experience na tahimik at pa-secret , doon na sumingit si De Castro at sinabing.. Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo… “ . Ang tinutukoy niyang ‘KAYO’ ay ang mga kasamahan niyang anchor.

“Sa aking obserbasyon , ang pinuna ni De Castro ay ang kuwentuhang kasal nina Davila at Sembrano at hindi , inuulit ko , hindi partikular sa kasalang Atayde at Mendoza,” paliwanag ni Arnold sa kanyang post.

Dagdag pa niya : “Hindi ito ang una na naging biktima sina De Castro at Davila sa social media . Kumalat din noon at nag-trending ang pag-utot ng isa kanila habang nagpapaalam sa newscast.

“Pag pinanood mo ang buong segment , iba ang sanhi ng kanilang tawanan .

“Ang mundo ng social media ay napakalupit. Nandoon na ang klase ng tao na tila na-recruit na ni Satanas - ‘mapanira’ , ‘mapanghusga’ , ‘tsismosa’ , ‘mapanlait’ .

“Hindi ito ang mundo para sa atin na nilikha ng Poong Maykapal na dapat ay puno ng pagmamahalan at respeto sa isa’t isa .

“Kung noon may ‘think before you click’ campaign ang GMA 7, makabubuting dagdagan pa natin ito ng ‘think before you share!’

“Maging responsableng netizen para magkaroon tayo ng mas mabuting kapaligiran.”

Kaya importante talaga ngayong piliin ang panonoorin sa social media. Maraming click bait lang at dampot lang.

Iba na ngayon. Maraming nasa harap na lang ng computer at pak may istorya na.

Nakalimutan na ang social responsibility basta maka-upload lang at dumami ang followers.

At kahit post ng celebrity na kumakain lang, ginagawa pang story.

Hahaha.

At magtataka ka rin na kahit mayayaman na, umeeksena sa social media at nagbabayad para dumami ang followers.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with