^

PSN Showbiz

Lorna, magiging ambassador ng columbarium!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lorna, magiging ambassador ng columbarium!
Lorna Tolentino

Halos buong araw ako na nasa Aeternitas Chapel at Columbarium na baka maging endorser si Lorna Tolentino.

Gusto kasi ng may-ari ng columbarium na magkaroon ng isang very ideal face to represent nito, at idea ng anak ng may-ari na si Hero Francisco na si Lorna ang maging endorser.

Maganda ang naturang columbarium, parang building nga at hindi mukhang para sa mga mahal natin sa buhay na iniwan na tayo. Dalawang bagay lang ang sigurado tayo, ang isilang ka, at mamatay. Kaya dapat pinag­hahandaan din ang pag-alis natin.

We should die in dignity and respect, kaya dapat ayusin natin ang ating paglisan sa mundo. Dapat kung investment ang binibili natin, isa ring investment ‘yung pagdadalhan sa atin ‘pag nagpaalam na tayo sa mundo.

Interesting ang setup dahil makikita mo na napakaganda ng lugar, at hindi mo maiisip na para sa wake ang building.

Natawa nga ako kay Lorna Tolentino dahil mas interesado siya sa ibibigay sa kanyang ‘apartment’ dahil para raw sa mga kakilala niyang gusto niyang bigyan.

Hindi gaya ng dati na morbid pakinggan ‘pag pinag-uusapan ang mga ganitong bagay, ngayon openly ng discussion ito sa pamilya.

Ay naku, maniwala kayo nag-enjoy ako sa paglilibot sa buong building ng columbarium.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with