^

PSN Showbiz

Mavline, nagpapakilig na rin sa free TV

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Mavline, nagpapakilig na rin sa free TV
Mavline

Matapos ang successful run online ng Zero Kilometers Away, dinala na ng GMA Public Affairs ang six-part digital series sa free TV na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Nagsimula na itong mapanood noong Sunday (June 25) 2 p.m. sa GMA Blockbusters.

Maraming Kapuso viewers ang nabihag ang puso ng nasabing six-part digital series kung saan nakakuha ito ng 52.1 million video views sa Facebook, Youtube, TikTok at Instagram.

Ang Zero Kilometers Away ay tungkol kay Gwen (Kyline), ang babaeng gustong magkaroon ng romantic relationship kung saan pinasok niya ang kalupitan ng online dating world.

Nang ma-realize niya na hindi ganun kadali ang online dating, humingi siya ng tulong sa kanyang childhood best friend at confidante na si Ardi (Mavy). Naging less complicated ang mga bagay nang pasukin nila ang online dating world nang magkasama kung saan nakakilala sila ng iba’t ibang klase ng tao.

Mahanap kaya ni Gwen ang kanyang true love? O ma-realize kaya nina Gwen at Ardi na ang kanilang ‘the one’ ay nariyan lang – just zero kilometers away?

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with