^

PSN Showbiz

JK, ‘di pa moved-on kay Maureen!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JK, �di pa moved-on kay Maureen!
JK
STAR/ File

Tamang-tama naman sa promo ng bagong single ni JK Labajo ang kilig-kiligang Instagram post ni Maureen Wroblewitz sa kanyang bagong boyfriend.

Ang daming pumik-ap sa IG post na ‘yun ni Maureen nang batiin niya ng happy birthday ang  rumored boyfriend.

Ilan sa mga taong malapit kay Maureen ay nagkumpirmang boyfriend niya itong guwapong lalaking medical student at nagmu-model sa Amerika na diumano’y Noah Steinbuch ang pangalan.

Pagkatapos ng IG post na ‘yun ni Maureen, may emote naman ang dating boyfriend na si JK Labajo sa kanyang Facebook account. “Hahahahahaha ganun pala pakiramdam” na in-assume ng netizens na reaksyon ‘yun jowa reveal ni Maureen.

Parang hindi pa rin daw kasi nakapag-move on si JK pagkatapos ng breakup nila ng model / actress nung nakaraang taon.

Naalala pa ng ibang netizens na eksaktong 1st ‘breaksarry’ raw nina Maureen at JK ay ipinost ng model/actress ang IG post niyang ‘yun sa kanyang bagong boyfriend.

Ang dating, naka-move on na si Maureen, tila hindi pa si JK. Pero kamakailan lang nakita naman namin si JK sa Power Plant na may kasamang girl. Hindi naman niya dineny nung tinanong namin kung girlfriend niya ang naturang girl.

Kahapon lang pala ini-release ni JK ang bagong single niyang May Halaga Pa Ba Ako Sa Yo. Para rin kaya kay Maureen ang kantang ‘yun?

Nasa Los Angeles, California pa ngayon si Maureen dahil iniikot na pala sa ilang special screenings at film festival ang ginawa niyang pelikulang Take Me To Banaue.

Kasama niya ngayon sa Amerika si Thea Tolentino na co-star niya sa pelikulang ito.

Nagkaroon na ito ng special screening sa iba’t-ibang bahagi ng Amerika, gaya ng Chicago, San Francisco, Texas at LA.

Rob, tigil na sa pagpapaseksi

Excited si Rob Gomez sa bagong project niya sa GMA 7 dahil leading man na raw siya.

Isa nga si Rob sa leading men ni Herlene Budol sa Magandang Dilag na magsisimula na sa June 26 sa GMA afternoon drama.

Sa tingin daw niya napansin siya sa Mano Po na series na ipinalabas sa GMA 7.

Iba raw pala talaga kapag leading man sa isang drama series.

“Nagulat po talaga ako. From my small role ‘yung Mano Po. They really really appreciated my presence there,” bulalas ni Rob.

Kaya bilib din daw siya kay Herlene dahil ang hirap daw ng mga ginawa niya sa seryeng ito. “Sobrang commended ako kay Herlene, kasi sobrang ang daming ginawa niya,” dagdag na pahayag ni Rob.

Marami pang gustong patunayan si Rob bilang aktor. Kaya gusto raw niyang dito muna mag-focus.

Saka na raw siya magpa-sexy uli kagaya ng ginawa niya sa first movie niyang A Girl and A Guy, kasama si Alexa Miro.

Kailangan pa raw niyang ikondisyon ang katawan niya. “Not so soon!” sagot niya nang tinanong namin kung willing ba siyang magpa-sexy uli sa pelikula.

Wala naman daw siyang regret na nakapaghubad siya sa dati niyang pelikula. Pero mas gusto raw muna niyang mag-focus sa pagiging aktor, kagaya nitong Magandang Dilag na gustung-gusto niya ang role. “Hindi ko naman pinagsisihan ‘yun. I’m so proud that I did it. It was a fun experience.

“It was a stepping stone. More than anything else, ‘yun talaga ‘yung move namin ng producer, ng manager ko, when we did that film. And also with Alexa (Miro).

“And now, that our careers groomed in the good hopes that we wanted it to be, thank God. Nanganak po talaga ‘yung mga ginawa namin,” saad pa ni Rob.

vuukle comment

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with