^

PSN Showbiz

Vivoree, mapait ang karanasan

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Vivoree, mapait ang karanasan
Vivoree

MANILA, Philippines — Masakit na pamamaalam sa isang relas­yon ang hatid na kwento ng Kapamilya artist na si Vivoree sa kanyang bagong single na Dalawang Isip.

Ibinuhos niya sa awitin ang kanyang damdamin para sa isang espesyal na tao habang pinapalaya niya ito mula sa kanilang relasyon.

Isinulat ito ng Himig Handog 2020 winner na si Danielle Balagtas at iprinodyus ni Ashley Aunor na isa rin sa bumuo sa kanyang single na Mapatang.

Nakatakda rin niyang ilabas ang kanyang debut EP ngayong taon na binubuo niya kasama ang ilan sa mahuhusay na female songwriters at producers sa industriya.

“Gusto ko sana na all-female ‘yung songwri­ters pati producers ng EP because I want it to be about courage and women empowerment at the same time,” saad ni Vivoree.

Nitong Pebrero, inilabas niya ang awitin na Matapang na nagsilbing unang patikim niya sa kanyang ilulunsad na EP.

Umani ito ng halos 300,000 views sa YouTube at mahigit 120,000 streams sa Spotify sa kasalukuyan.

Nakasama rin ni Vivoree sa music video ng kanta ang kapwa Kapamilya actor na si Brent Manalo.

Bukod sa pag-awit, nakilala rin si Vivoree bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Bumida rin siya sa iba’t ibang programa tulad ng He’s Into Her, Tara, G! at The Iron Heart.

Pakinggan ang damdamin ni Vivoree sa bagong single na Dalawang Isip na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

 

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with