^

PSN Showbiz

Arjo at Maine, planado na ang kasal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Arjo at Maine, planado na ang kasal!
Arjo at Maine

Kahapon ay ipinagdiwang ng Crown Artist Management na pag-aari ni Maja Salvador ang kanilang second anniversary. At meron silang ini-launch na talents.

Nagpunta lang kami sa event dahil gusto na talaga naming kulitin kung totoong nagpakasal na sila ni Rambo Nuñez sa isang civil wedding ceremony nung Valentine’s Day.

May ilan kaming kakilalang dumalo sa seremonyang ‘yun, pero tikom ang bibig nila at wala talaga silang sagot.

Ang latest pang nasagap namin, nakatakda na ang church wedding sa July pero wala pa kaming nakuhang ilang detalye.

Halos magkasunod lang daw sila ng wedding nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza, na naka-schedule na rin daw sa buwang ‘yun. Pero wala pa rin kaming nakuhang detalye.

Nakita lang sa Instagram post ni Enchong Dee kasama si Arjo.

Nai-post pa ng ilang fans ang invitation, pero ewan ko lang ‘yun na nga ang totoong imbitasyon nila.

May ilan pa ngang fans ng AlDub na hindi pa rin nakapag-move on at nagpu-post pa ng tungkol kina Alden Richards at Maine, pero inookray na sila ng fans nina Arjo at Maine na huwag na silang umasa, dahil si Arjo na nga ang pakakasalan ni Maine.

Abangan na lang natin ang kanilang official announcement kaugnay rito.

Isasabay pa kaya itong isyung kasalan sa mainit pa ring isyu ng Eat Bulaga?

Elijah, inaming may pakialam si Miles sa kanyang career

Itinanggi ni Elijah Canlas ang intrigang nakikialam daw ang girlfriend niyang si Miles Ocampo sa kanyang showbiz career.

Tagasuporta o tumutulong, pero hindi naman daw nakikialam, sabi ni Elijah nang makatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules.

“Tagasuporta po talaga, saka tagatulong na ngayon,” pakli ni Elijah na todo sa pagpu-promote ng pang-Summer Metro Manila Film Festival entry niyang About Us But Not About Us.

Sabi ni Elijah, kung may mga pumapasok daw na projects, kinokonsulta raw niya kay Miles at ganun din naman ang aktres.

“Inaano ko rin sa kanya, ‘yung inquiries o whatever, tapos sabay po namin babasahin ‘yung script ng isa’t-isa, tas sabay po kaming magdi-decide kung interesting ba siya kung masaya ba siya, kung gawin po ba namin siya.

“And then, nagtutulungan po kaming mag-come up ng mga acting choices,” dagdag niyang pahayag.

Pagdating sa desisyon ay ang management daw niya ang bahala at siya na rin. Hindi naman daw kailangang sundin niya si Miles o vice versa.

“Parang nagkukuhanan lang po ng ideas. Kapag may nasabi siyang maganda, o sige puwede paglaruan ‘yan or whatever.

“Suportahan lang po talaga, saka ‘yun nga nagba-bounce off lang ‘yung mga ideas,” sabi pa ni Elijah.

Hindi naman daw kailangang si Miles ang sundin niya, at ganundin daw sa career ni Miles, sumusuporta lang daw siya.

“Hindi po. Very supportive po si Miles. Saka naintindihan na po kasi niya kung ano ‘yung gusto ko e. Nakakatulong po talaga.

“Support lang po ako. At the end of the day, choice pa po namin ng isa’t-isa, individually kung ano ‘yung tingin naming game naming gawin. So, kanya-kanyang choices. Suportahan lang po,” saad ng bida ng pelikulang About Us But Not About Us.

Kakaiba ang konsepto ng pelikulang ito ni Elijah kasama si Romnick Sarmenta.

Naniniwala siyang handa na ang mga manonood sa ganitong klaseng pelikula na sinulat at dinirek ni Jun Robles Lana.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with