^

PSN Showbiz

'Totoo tsismis?': Holding hands nina James Reid, Issa Pressman trending

James Relativo - Philstar.com
'Totoo tsismis?': Holding hands nina James Reid, Issa Pressman trending
Litrato nina James Reid (kaliwa) at Issa Pressman (kanan) habang magkahawak-kamay
Mula sa Instagram page ni Issa Pressman

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon ang "sweet" na photos ng aktor na si James Reid at ni Issa Pressman — kapatid ng aktres na si Yassi — na dati nang itinuturo bilang isa sa mga dahilan ng hiwalayan ng aktor kay Nadine Lustre.

Huwebes lang nang magpaskil sina James at Issa ng litrato magkasama sa concert ni Harry Styles, at sa isa sa mga rito makikitang magkahawak sila ng kamay.

Bukod sa holding hands, nilitratuhan pa ni Issa si James na kinukunan din siya noon ng litrato. Pinicturan din ni James si Issa na noo'y kinukunan siya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james)

Enero 2020 nang itanggi ni Issa na siya ang naging dahilan ng break-up ng dating onscreen at offscreen lovers na sina JaDine. Dati nang sinabi ni Issa na "100% false" ang mga ipinaparatang sa kanya.

"Di ba merong balita dati na si Issa Pressman daw ang dahilan ng break up ni Jadine? Parang totoo ah hehehe," komento ng Instagram user na si @sherrynedipity sa paskil ni James.

"Super deny pa before and here they are. Instead of feeling hurt for Nadine I am feeling extra happy for her getting away from them. She deserves the peace and freedom," reaksyon naman ni @angelllventura.

Sa kabila nito, meron din namang nagtatanggol kina James at Issa at sa paglalantad nila ng posibleng relasyon.

"Kaloka. Mga inggitera! Bakit ba di kayo maka move on at maging masaya for James like for Nadine? Jinowa lang ang friend cheater agad?! What an accusation! Saka pano niyo naman nasabing siya dahilan ng hiwalayan? ugh. kaloka kayo!" wika naman ni @ingridaampiah.

Sabi naman ni @shynemarquez: "So happy for you Issa... you deserve to be loved pero sobrang dameng ampalaya to be honest the fact na wala silang magawa kundi mang bash ng bash ng 'di nmn nila alam the whole story."

Enero 2020 lang din nang magsalita mismo sina Nadine at Yassi tungkol sa isyu, ito habang hinihikayat ang publiko na 'wag nang i-cyberbully si Issa.

Matatandaang unang ibinulgar ng kolumnistang si Ricky Lo ng The STAR na hiwalay na sina Nadine at James, bagay na itinanggi muna ng dalawa noong una. 

Inamin din ito ng JaDine tandem at naghiwalay sila hindi dahil sa mga tsismis na kumakalat ngunit dahil sa nais nilang mag-"focus sa sarili, career at dahil sa bata pa sila."

Matapos nilang maghiwalay, ilang beses pa nilang sinabi na matalik pa rin silang magkaibigan. Nag-collaborate pa sila sa music kahit na magkahiwalay na sila.

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with