^

PSN Showbiz

Be Us ng BGYO, nanguna rin sa ibang bansa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Be Us ng BGYO, nanguna rin sa ibang bansa
BGYO
STAR/ File

Ipagdiriwang ng BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang kanilang second anniversary sa Be Us album showcase at fan con na gaganapin sa SM City North Edsa Skydome sa Mayo 12 (Biyernes).

Naging matagumpay ang kanilang album na Be Us na umani na ng higit sa 4.3 milyon streams habang umabot naman sa 1 milyon streams ang mga awitin na Magnet at 1.5 milyon streams ang Tumitigil Ang Mundo.

Nanguna rin ito sa iTunes Philippines album chart pati na rin sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong Kong, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates.

Maaaring mabili ang Be Us second anniversary album showcase tickets sa SM Tickets sa halagang P2,500 (VVIP), P2,000 (VIP), at P1,000 (regular).

  Samantala, samu’t saring papuri ang natanggap ng BGYO leader na si Gelo dahil sa kanyang 2x2 ID picture na ipinost ng isang fan sa Twitter habang ni-like naman ng BTS ang TikTok video ng main dancer na si Nate matapos magpakitang gilas sa kanyang dance cover ng “on the street” nina J-Hope at J. Cole.

 Kasalukuyang nagsasagawa ng mall show tour ang tinaguriang Aces of P-Pop sa Marquee Mall, Pampanga at sa The District Imus, Cavite noong Marso 4 at 5. 

vuukle comment

BGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with