^

PSN Showbiz

Kim at Jerald, nag-live in dahil sa hika!

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Kim at Jerald, nag-live in dahil sa hika!
Kim at Jerald

Bibigyang-katotohanan ng reel at real life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles ang Happy Fam, Happy Life sa panibagong fun-serye series na inihahandog ng Viva Entertainment, Sari Sari Channel at TV5 na pinamagatang Team A.

Tungkol ito sa pamilyang Ambida ni Ian (Jerald), Janet (Kim), at ang kanilang unica hija na si Yeye (Gianna Aguiron) kung saan susubukin ang tibay ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa lalo na’t umeeksena sa scenario ang nanay ni Janet na si Violeta Bagsic (Yayo Aguila) at ama ni Ian na si Arman Ambida (Anjo Yllana) dala ng pagkakaiba ng kanilang lifestyle at pinansyal na pagpapalaki.

Sa ginanap na mediacon noong Huwebes, March 9, inamin nina Kim at Jerald na sa walong taong relasyon nila ay nagkaroon din ng mga pagsubok ang pagsasama nila kagaya ng mga karakter nila sa Team A.

Inamin din ni Kim na hindi raw talaga planado ang pagiging live-in partner nila ni Jerald. Nagsimula lang ito noong pandemya kung saan ipinagkatiwala siya ng mga magulang sa aktor dahil wala siyang kasama na mag-aalaga sa kanya dahil may hika ito.

Naging challenging daw ang pagsasama nila sa isang bubong nung pan­demya kung saan tuwing magkakaroon sila ng tampuhan ay ‘di sila puwedeng magpalamig at lumabas.

Bilang magkatrabaho, inamin din nilang hindi naging madali ang pagiging magkarelasyon nila sa trabaho. Nagkaroon daw ng pagkakataong nagkaroon sila ng away, naghiwalay at nagkabalikan nang ‘di nalalaman ng mga katrabaho nila habang nasa taping dahil may agreement sila na hindi nila dadalhin ang personal na problema sa trabaho.

Kitang-kita rin na malapit sila kay Gianna na gumaganap sa karakter ng kanilang unica hija at para na raw talaga silang pamilya ‘pag nasa set. Nang tanungin naman sila kung malapit na rin ba silang bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng anak, pinag-iisipan na raw naman nila ito pero hindi pa raw sa ngayon dahil mas naka-focus sila sa kanilang career.

Samantala, marami raw silang nakahandang pasabog tungkol sa mga isyung pampamilya gaya ng pagbabangayan ng kanilang in-laws na ginagampanan nina Yayo at Anjo.

Sigurado raw hahalakhak ang viewers sa kanilang nakakatawang rambulan.

Makakasama rin nila sina Gene Padilla, Cindy Miranda, Marc Acueza, Ethan David at Ashtine Olviga.

Mapapanood na ang Team A sa Sabado, Marso 18, 9:30 p.m. sa TV5, na may catch-up airings sa Sari Sari Channel (Available sa Cignal Ch. 3) tuwing Linggo, 9:00 p.m. ngayong Marso 19.

vuukle comment

JERALD NAPOLES

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with