^

PSN Showbiz

Jason Dy, naglabas ng unang kanta sa Star Music

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jason Dy, naglabas ng unang kanta sa Star Music
Jason Dy
STAR/File

Kakaibang Jason Dy ang maririnig ngayon sa R&B dance song na Ulit-ulit, ang una niyang patikim bilang bagong miyembro ng Star Music family.

Inilunsad niya ang kanta nitong March 1, eksaktong walong taon pagkatapos niyang magwagi bilang The Voice Philippines season 2 champion.

Sa bagong era ng kanyang music career, handa na ang tinaguring Prince of Soul ng bansa na ibida ang bago niyang tunog sa pamamagitan ng pagsubok niya sa ibang music genres na iba sa nakasayanang tunog ng kanyang fans.

Kasama na rito ang nakakaindak na Ulit-ulit na tungkol sa pagkadismaya sa paulit-ulit na pagtatalo ng dalawang tao na may ugnayan.

“The song talks about that point in the relationship where the fights are getting repetitive. Pare-parehas lamang ang argumento at wala namang nare-resolve,” kwento ni Jason.

“Tungkol ito sa kung karapat-dapat pa bang isalba ang isang relasyon or kailangang tapusin na,” dagdag niya tungkol sa awiting isinulat niya ilang taon na rin ang nakalilipas.

Magiging bahagi ito ng mini-album ni Jason na nakatakdang ilabas ngayong taon sa ilalim ng Star Music.

JulieVer, may cheating...!

Answered prayer para sa shippers ng JulieVer ang upcoming film nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na The Cheating Game.

Matagal na rin kasing hinihiling ng fans na magkaroon ng project together ang dalawang Kapuso stars outside their hosting stints sa All-Out Sundays at The Clash.

Ang The Cheating Game ang unang collaboration project ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Sa panayam sa 24 Oras Weekend, ibinahagi ni Julie na naging blessing in disguise ang pagkakaantala ng paggawa ng nasabing pelikula dahil na rin sa pandemya.

Naging daan daw kasi ito upang mas lalo pa niyang makilala si Rayver na malaking tulong sa mga scene nilang dalawa. “Kasi, para mag-work ‘yung mga eksena talaga, you have to get to know the person. And I’ve known Rayver [Cruz] for quite a long-time. We’ve been really-really close,” say ni Julie.

Tila may advance treat naman para sa JulieVer fans sa BTS photos na ibinahagi kamakailan ng GMA Public Affairs sa kanilang social media accounts. Kitang-kita ang chemistry nina Julie at Rayver sa mga litratong kinunan para sa pelikula.

This year nakatakdang ipalabas ang The Cheating Game sa mga sinehan.

vuukle comment

JASON DY

STAR MUSIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with