^

PSN Showbiz

JK, ginawan si Maureen ng break-up version ng Buwan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JK, ginawan si Maureen ng break-up version ng Buwan!
JK
STAR/ File

Ang ganda ng performance ni JK Labajo sa isang eksena sa pelikulang Ako Si Ninoy na kung saan kinanta niya ang kakaibang bersyon naman ng sikat na kanta niyang Buwan.

Si JK ang gumaganap na si Ninoy Aquino, at sa eksenang nakakulong siya, sumisilip lang siya sa maliwanag na dilaw na buwan at doon ay kinanta niya ang kantang ito.

Iba ang pagkakanta na nabigyan ng ibang kahulugan.

Sabi naman ni JK nang nakatsikahan namin bago ang screening ng naturang pelikula, meron na nga raw siyang break-up version ng Buwan, pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Maureen Wroblewitz.

Pero sabi ni JK, para kay Maureen pa rin daw ang kantang Buwan at hindi naman daw mababago ‘yun.

“Forever naman ‘yun e. Hindi naman puwedeng mapalitan ‘yung meaning ng song e.

“I mean, never naman mababago ‘yun kahit pagbaligtarin man ‘yung mundo,” pakli ni JK nang makatsikahan namin sa nakaraang premiere night ng pelikulang Ako Si Ninoy na ginanap sa Cinema 7 ng Rockwell, Makati nung nakaraang Sabado.

Aware si JK na may bagong boyfriend na ngayon si Maureen, at ayaw na niyang mag-comment dun.

“I’m not really a part of her story anymore e. That’s good for her. As long as she’s happy, that’s all that matters,” sabi pa ni JK.

Kahapon ay nag-showing na sa mga sinehan ang pelikulang Ako Si Ninoy, at kasabay nito ang isa pang local film na Bakit Di Mo Sabihin na entry dati sa Cinemalaya 2022.

Dennis, ‘di minadali ang pamamaalam

Pasabog ang ending ni Dennis Trillo sa Maria Clara at Ibarra na kung saan napanood nung Martes ang death scene ni Simoun na ginampanan ng Kapuso Drama King.

Nag-trending ang hashtag na #DennisTrillo nung gabing ‘yun hanggang kahapon ng umaga.

Ang daming nag-post ng video ng last scene na kinunan ni Dennis at pinalakpakan ito ng mga production staff at co-actors.

Inabot na sila ng alas-dos ng madaling araw nang kinunan ang last scene ni Dennis bago siya lumipad pa-Amerika kasama ang asawang si Jennylyn Mercado at ang anak nilang si Baby Dylan.

Puring-puri si Dennis ng buong production staff, dahil may biyahe pa sila pa-Amerika ng sumunod na araw, pero hindi siya nagmamadali. Talagang tinapos niya ang mahalagang eksenang ito para sa nalalapit na pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra.

Nagpasalamat si Dennis na naging bahagi siya ng malaking series na ito ng GMA 7, at ginampanan niya ang isang mapanghamong papel ni Crisostomo Ibarra at Simoun sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Sabi niya na ipinost sa kanyang social media account, “Nais kong ibahagi ang mga kaganapan sa pagtatapos ng aking huling eksena, sa maituturing kong isa sa pinakamakabuluhan at importanteng proyektong kinabilangan ko.

“Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik. Salamat sa iyo, na minahal at naglaan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu (Praying and heart emoji) mahal ko kayo, hanggang sa muli.”

Nakabawi sa rating ang Maria Clara at Ibarra, na napapanood din sa GTV. Bumabangga ito sa Batang Quiapo ni Coco Martin na palabas sa apat na istasyon.

Lately ay natatalo na sa rating ng MCAI ang BQ.

Nung nakaraang Lunes, Feb. 20  ay naka-12.3 percent ang combined ratings nito at ang sa Batang Quiapo ay 11 percent.

Nung Martes, Feb. 21 naman ay naka-12 percent ito at 11.1 percent naman ang Batang Quiapo.

Inaasahang tuluy-tuloy nang mataas ito hanggang sa finale nito sa darating na Biyernes, Feb. 24.

Samantala, matindi rin ang ipapalit sa Maria Clara at Ibarra, itong Mga Lihim ni Urduja na magsisimula na sa Feb. 27.

Bale reunion na rin ito ng mga Encantadia Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Malaking challenge ito ngayon sa bagong seryeng ito ng GMA 7 dahil nakapagsimula na ang makakatapat nila, at nakakakuha na ng audience.

Sabi naman ng direktor ng Mga Lihim ni Urduja na si Jorron Lee Monroy, hindi sila nagpapaapekto sa kung ano ang makakatapat ng kanilang programa.

Wala raw silang iri-revise, kundi tuloy lang ang kung ano ang nasimulan nila dahil matagal na raw nilang nabuo ang istorya nitong Mga Lihim ni Urduja

Aniya, “As a director and in my team also, ang parati kong sinasabi sa kanila, don’t look outside.

“Hindi po ako nagkukumpara sa ibang palabas. Bagkus, ako po fan din ako ni Coco Martin, napanood ko rin ‘yung palabas niya.

“Hindi po sumagi sa isip ko na aralin ‘yun at magpa-revise ng mga writers, because last year pa lang buo na ‘yung script namin e. Solid na’ yung kuwento nung serye. Kaya I don’t think there was never a need to revise in competition to anything else. Because this is a series of its own naman po.”

Sa simula pa lang daw nitong Urduja, para naging bahagi na raw ng kuwento ang mga manonood na parang involved na involved na sila.

“Ang vision kasi nito, para kang nasa loob ng adventure. Para kang pumasok sa loob ng game.

“So siguro dahil sa mahilig din ako sa games, natutuwa din ako sa adventure series, so ‘yun ‘yung kakaiba sa kanya.

“Pilot pa lang, nasa loob na tayo kaagad ng adventure. Kasi dati, ‘di ba meron pang build up ‘yun bago ka magpunta dun sa main adventure, eto pagbukas pa lang ayun na! Inilatag na sa yo, eto ‘yung kuwento, eto ‘yung adventure, kasali kayo.

“So, ganun kaagad siya nagsimula. So, mas ano po siya, mas siksik ‘yung adventure ano n’ya element, ‘yung excitement na sundan mo linggo-linggo, kung paano nila mabubuo ‘yung pitong hiyas ni Urduja,” dagdag na pahayag ni direk Jorron Lee Monroy.

vuukle comment

JK LABAJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with