^

PSN Showbiz

Showbiz personality na may iniindang karamdaman, ‘di humihinto sa pagiging mapagbigay 

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Bibilib ka sa showbiz personality na ito, Ateng Salve. Kahit may iniinda pa rin siyang karamdaman ay hindi pa rin nawawala ang pagiging generous niya.

Nandoroon pa rin ang ugali niyang palagi siyang namimigay ng regalo.

Nagugulat na nga lang daw ang friends ni showbiz perso­nality dahil palagi siyang may pa-surprise sa kanila.

Mana rin daw kay showbiz personality ang mga anak niya. May pagka-generous din ang mga ito, lalo na ang kanyang bunso.

At kahit ang yaman nila, aba, sobrang babait daw ng mga anak ni showbiz personality.

So nice!

Richard at Jake, pinipigilang umaray kahit nagkakasakitan!

Naku, Ateng Salve, sobra ka naming na-miss kahapon sa group interview ni Richard Gutierrez.

Siyempre, nagpa-group interview ang mag-inang Annabelle Rama at Richard para mai-promote ang The Iron Heart action-drama series ng Kapamilya actor.

Sabi ni Richard, thankful siya sa viewers ng kanilang show. Happy rin siya sa sobrang ganda ng feedback sa fight scenes nila, lalo na ‘yung bakbakan nilang dalawa ni Jake Cuenca.

Aminado rin si Richard na ilang beses na rin silang nagkakasakitan ni Jake, pero bago pa naman daw kunan ang kanilang fight scenes ay nag-uusap na sila na hindi talaga maiiwasan na magkasakitan, pero wala raw pikunan.

“Ilang beses na ‘yung nagkatamaan kami, pero tuloy lang ‘yung eksena. Hindi kami tumitigil. Tinatapos namin ‘yung fight scene and after ng take, saka na lang kami umaaray. Hahaha!” natatawang kuwento ni Richard.

Actually, Ateng Salve, sobrang close rin naman nina Richard at Jake, kaya impo­sibleng magkapikunan sila.

Bago nga raw sila mag-taping, sabay pa silang nagdyi-gym.

“Masarap din naman ‘yung may kasabay kang nagdyi-gym. Kami kasi ni Jake, bago ang-taping, nagdyi-gym kami kahit one hour lang.

“Kapag wala naman sa Cebu, si Sarah (Lahbati, his wife) ang kasama kong nagdyi-gym,” kuwento pa ni Richard.

Bongga!

Aktres na nauugnay sa aktor, hinihintay ilantad ang relasyon!

‘Kaaliw lang na ang isang aktor ang kinukulit ng entertainment press tungkol sa love life ng kanyang ate.

Pero in fairness, hindi pa naman talaga official ang relasyon ng aktres sa showbiz personality na iniuugnay rito.

Wala pa talaga sa next chapter ang relasyon nila.

Sa ngayon, the best of friends pa lang sila at inspirasyon nila ang isa’t isa.

So, wait na lang natin kung kailan ba talaga sila magiging opisyal na magkarelasyon, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

GIVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with