^

PSN Showbiz

Nanahimik… nina Ian at Heaven, binili na ng GMA

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Nanahimik� nina Ian at Heaven, binili na ng GMA
Ian Veneracion at Heaven Peralejo

Ay naku, Ateng Salve, nakaka-good vibes lang ang bakasyon namin nina Gorgy Rula, Ian Fariñas at Dondon Sermino dito sa Tokyo, Japan. Aba, kahit pa nga ‘di sure kung kailan talaga namin makaka-bonding ang PBB alumna na si Miho Nishida dahil hindi siya makakuha ng day-off, may mga biglaan naman kaming nakaka-bonding dito, huh!

Noong isang araw nga, ka-bonding namin ang TV5 showbiz reporter na si MJ Marfori na nag-attend sa isang event ng Netflix dito.

Secret pa raw ang show na ito na pinuntahan ng misis ng GMA 7 news reporter na si Oscar Oida, pero puring-puri nga niya ang Japanese production company na pinuntahan niya at sobrang organized daw. Napa-“wow” nga kami sa mga kuwento ni MJ.

Naki-join din siya sa amin nang i-meet namin sa may Shibuya crossing si Direk Lino Cayetano.

Walang secret project si Direk Lino, pero nagpunta raw siya sa Niseko kasama ang isa sa producer ng Rein Entertainment para mag-ski.

From Niseko, sila naman ng misis niyang si Fille Cainglet-Cayetano na isang sikat na volleyball player ang nag-Shibuya.

Malapit na kasing sumalang uli sa volleyball si Fille at dahil birthday nito noong Monday, nag-bonding na silang dalawa, pero mamayang gabi na raw ang uwi nila ng Philippines.

Masaya nga palang ibinalita ni Direk Lino na ang Nanahimik ang Gabi movie nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo ay binili na ng GMA 7.

May isang kilalang streaming site rin na bumili sa pelikula nila, pero bawal pa raw sabihin. Pero sigurado raw na magpapatawag ng chikahan with the press si Direk Lino kapag mag-i-stream na ‘yon.

‘Katuwa rin, Ateng Salve, dahil kahit hindi napasama sa Top 4 ang Nanahimik ang Gabi 2022 Metro Manila Film Festival movie nila ay hindi naman mananahimik sa pagpoprodyus ang grupo ni Direk Lino. May two movies daw silang gagawin at may two series din. Tuluy-tuloy raw ang projects ng Rein Entertainment kaya marami silang mabibigyan ng trabaho.

So bongga!

Sharon at Gabby, may reunion concert din!

Tama ba ang narinig namin na hindi lang pelikula ang gagawin ng ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?

Sabi, magkakasama rin daw sa isang concert sina Sharon at Gabby. Magkakaroon daw sila ng US at Canada concert tour, pero mauuna raw muna ang show nila sa ‘Pinas.

Sabi ng isang malapit kay Sharon, inaayos pa ang lahat kaya hindi pa sila makapag-announce ng mga detalye.

At sana nga raw at matuloy na talaga ang lahat ng mga plano for Sharon and Gabby.

‘Yun na!

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with