^

PSN Showbiz

Ian, pasok sa serye ni Richard!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ian, pasok sa serye ni Richard!
Ian Veneracion at Richard Gutierrez

Pasok si Ian Veneracion sa cast ng The Iron Heart, ang primetime ABS-CBN action-drama series na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Nakapag-one day taping na si Ian at okey naman daw.

Malamang, this week ay mag-taping uli ang actor-singer at bilang si Secret Boss daw ang role nito.

Kung hanggang kailan si Ian sa The Iron Heart, ‘yon ang ayaw pang ikuwento ng mga taga-Star Creatives.

Dimples, kinilig kina KimJe!

Si Dimples Romana sa premiere night ng Viva Films movie na Girlfriend Na Pwede Na noong Monday.

Hindi nakakapagtaka na sumuporta si Dimples sa pelikula nina Kim Molina at Jerald Napoles dahil BFF niya ang comedienne. “Hindi puwedeng hindi ako nandirito, baka mapalo ako ni Molina at ni Napoles, also Direct Benedict Migue was my director. Ang tagal na naming magkaibigan ni Kim. Kami ang best friends sa Kadenang Ginto (afternoon series noon sa ABS-CBN). Pero sobrang proud ako sa movie nila. Ang ganda ng pagkakagawa ng movie. Napakahusay nilang lahat (cast),” sey ni Dimples.

Dagdag ni Dimples, sobrang nakakakilig daw sina Kim at Jerald. “Pati mga banat nila, saka ‘yung mga eksena nila sa Baguio, gustung-gusto ko. Kilig na kilig ako sa kanila,” sey pa ng friendship ni Kim.

Kundi nga lang daw may baby siya na six-month old pa lang, pupunta rin daw siya sa Baguio para magbakasyon sila ng kanyang mister dahil nagustuhan niya ang hitsura ng lugar na ‘yon nang mapanood niya sa pelikula.

Nagkita sina Dimples at Kim sa lobby ng SM Megamall at biniro ng una ang huli, “Sabi ko sa kanila, ang galing-galing ni Jerald!” at napatili si Kim ng, “Ganyan talaga ang Ate ko. Pero I love you so much!”

In fairness, pati kami ay kinilig sa mga eksena nina Kim at Jerald at marami silang young love teams na kakabugin, huh!

Anyway, naikuwento rin ni Dimples na kagagaling lang ng Australia ng mister niyang si Boyet kung saan dinalaw nito ang anak nila na nag-aaral doon ng pagpipiloto.

Bongga!

Borracho, maraming naka-line up na pelikula

Ang announcement ngayong tanghali ng next movie ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdinand Topacio pagkatapos ng kanilang 2022 Metro Manila Film Festival entry na Mamasapano: Now It Can Be Told!

Kahit sinasabing #7 lang ang filmfest movie nila na pinagbidahan nina Edu Manzano, Paolo Gumabao, Aljur Abrenica at iba pa ay may bago na silang project.

Nang makausap namin kamakailan si Atty. Topacio, ikinuwento niyang magtutuluy-tuloy siya sa pagpoprodyus ng pelikula.

In fairness sa kanya, maraming siyang mga idea na gustong isapelikula kaya maraming mga taga-movie industry ang mabibigyan niya ng trabaho.

So nice... ‘Yun na!

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with