Dream Chasers, sasailalim sa ikatlong ranking sa Dream Maker
Mapanatili kaya nina Jeromy Batac, Vinci Malizon, Drei Amahan, Asi Gatdula, Ishiro Incapas, Wilson Budoy, at Marcus Cabais ang kanilang posisyon sa Top 7 ng Dream Maker?
Sa darating na Sabado (Enero 14) at Linggo (Enero 15), magbabago muli ang rankings ng natitirang 44 Dream Chasers batay sa kanilang mga nakuhang scores mula sa mentors at public votes sa katatapos na position mission noong nakaraang weekend. Bukod dito, ilan din sa kanila ay mapupunta sa danger zone at tuluyan ng mapapaalis sa kumpetisyon.
May advantage naman sina Jeromy, Josh Labing-isa, at Russu Laurente sa darating na ranking at elimination dahil sa kanilang nakuhang 100 puntos sa ikalawang misyon.Itinanghal na overall dancer si Jeromy, overall vocals ang nakuha ni Josh, at overall rapper naman si Russu. Ang nasabing karagdagang puntos ay idadagdag sa nakuha nilang mentors scores.
Bukod naman sa performances ng Dream Chasers, inabangan din ng manonood ang pagbisita ni Maymay Entrata bilang guest mentor ng nakaraang misyon.
Huwag palampasin kung sinu-sino ang bubuo sa Top 7 sa darating na weekend at kung sino naman ang maaalis sa kumpetisyon.
- Latest