^

PSN Showbiz

Small ‘No Bashing, It’s for fun!’ Laude, bet sina Marco at Paulo

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Small �No Bashing, It�s for fun!� Laude, bet sina Marco at Paulo
Small Laude

Bet ng socialite, entrepreneur, top celebrity vlogger at ‘Eat Girl’ na si Small Laude na makapareha sina Marco Gumabao at Paulo Avelino.

‘Yan ay sakaling pasukin lang niya ang ‘acting.’

Pero as of now, wala na sa plano niyang sumabak sa pag-arte kahit mismong sabi ng manager niyang si Joji Dingcong.

Ito nga ang inamin ni Small nang ipakilala siya bilang endorser ng bagong pomelo juice drink na Power Helo at Merixin kahapon.

“Wala akong maisip. I like this Marc Gumabao… Marco Gumabao,” tumatawang sabi ni Small na parang kinikilig.

Pero dinagdagan niya “Yeah, I like Marc Nelson. Paulo Avelino, yes, slight. Pero cute siya!”

Anyway, hindi ito ang unang endorsement ni Small since sumikat   bilang vlogger at maging host ng sariling programa sa Metro Channel, It’s A Small World kung saan niya doon pinakita ang mansion ng kanilang pamilya.

Nauna siyang kinuha ng Belo clinic at meron siyang malaking billboard sa EDSA.

Dito rin nag-umpisa ang famous line niyang “Of Course! No Bashing, It’s for fun!”

At kung noon daw ay marami pang sinasabi ang circle of friends niya na ang iba ay kontra pa, ngayon ay supportive na ang mga ito sa pagiging active ng ‘digital’ career niya.

Ganundin daw ang kanyang pamilya na  noong una ay hesitant ang pamilya niya particular na ang Babe niyang si Mr. Philip Laude at ang kanilang apat na anak sa kanyang pagba-vlog, ngayon daw ay mas kumportable na ang mga ito sa kanyang newfound career at adjusted na.

Aniya : “He’s happy for me, for my success.”

Dagdag pa niya : “Before they always stop me from doing this.”

Maging ang sister niyang construction magnate na si Ms. Alice Eduardo ay comfortable na sa harap ng came­ra.

 Anyway, malaki ang pasasalamat niya na may mga produktong tulad ng Power Melo at Merixin ng Corbridge Group Philippines na nagtiwala sa kakayanan niya bilang endorser.

Ani Small, “I always love pomelo ever since I was a child. I know it’s good for our health kaya nu’ng na-discover ko ang Power Melo, I told my husband, we should definitely try this.”

 Hirit pa niya : “It’s so easy to prepare plus nutritious at masarap pa! So, so good!”

Ang Power Melo ay may taglay na maraming benepisyo sa kalusugan tulad ng mga anti-aging property at antioxidant na pumoprotekta sa katawan laban sa mapaminsalang free radicals.

 Isa rin sa bagong health discoveries ni Small ang Merixin Turmeric, isang dietary supplement at juice drink naman na may Golden Spice Curcuma Turmeric na may taglay na scientifically-proven health benefits.

 Samantala, napanood si Small sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang famous friend ni Violet (Beauty Gonzalez). Pero as herself lang ang ginampanan niya.

Hindi raw muna ito tatanggap ng mga character role ayon mismo sa manager niyang si Jojie.

Kabilang sa friends ni Small sina Karen Davila and Pops Fernandez.

 

vuukle comment

SMALL LAUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with