^

PSN Showbiz

Lotlot, ayaw gatungan ang away nina Matet at ate Guy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lotlot, ayaw gatungan ang away nina Matet at ate Guy
Lotlot
STAR/ File

Medyo nililimitahan ni Lotlot de Leon ang mga sinasabi niya tungkol sa isyu ng kanyang Mama Guy at ng kapatid niyang si Matet de Leon tungkol sa isyung kumpetisyon sa kanilang gourmet tuyo at tinapa.

Nakatsikahan namin si Lotlot sa presscon ng launching movie ni Joaquin Domagoso na That Boy in the Dark na magsu-showing na sa mga sinehan sa Jan. 8.

Sabi ng award-winning actress, hindi naman daw nila ito pinag-usapan nang mabuti ng kanyang Mommy dahil nagkakaintindihan na raw sila. Ganundin daw sila ni Matet na alam niyang kahit may tampo ito ngayon sa kanilang ina, naniniwala siyang sa dulo nito ay pamilya pa rin sila, at sila rin ang magkasama at magdadamayan. “Si Matet naman alam n’ya naman na kami magkapatid lagi naman kaming… will always be, kumbaga, kung ano man ang trials, at the end of the day, pamilya pa rin kami,” seryosong pahayag ni Lotlot.

Tumawag daw siya sa Mommy niya nung nakarang Christmas eve at gusto sana niyang dumaan, pero masama raw ang pakiramdam nito kaya pinagpahinga na lang daw niya.

Aware silang magkakapatid sa mga sinasabi ng ibang tao. Naba-bash pa si Matet. “Ayoko na lang ikumplika. Kasi hindi naman siya complicated e. It’s just you know, the people, they like to talk about other people’s lives.

“And you know, they look at the things maybe their own world, but not perspective from outside na,” sabi pa ni Lotlot.

Kagaya nung nangyari sa kanya noon, matagal din ang tampuhan nilang mag-ina, at kung anu-anong masasakit na salita ang mga ibinato sa kanya noon. “Ibang tao lang naman ang gustong maghalungkat ng mga kung anu-ano, ‘di ba? Whatever I have with my mom is personal. So, I prefer it that way.

“Like ako, aminin ko nung una na nakakatanggap ako ng mga ganung pananalita, medyo nasa-shock ako. Kasi, saan nanggagaling, ‘di ba, ‘yung salitang wala kaming utang na loob.

“Ano ba ang alam ng mga tao sa mga nagawa at hindi ko nagawa para sa pamilya ko? Hindi ba?

“At kung meron man akong nagawang mga kabutihan, bakit kailangan kong ilantad ‘yun, ‘di ba?

“Especially in bad times. Kami naman, ‘yun lang, nakakalungkot lang kasi naintindihan namin siguro mas mahal talaga nila si… I mean, iba ‘yung respeto, iba ang pagmamahal nila kay Mommy. Ganun e,” saad pa ni Lotlot.

Billy, umaming bugbog-sarado sa France!

Detalyado ang paglalahad ni Billy Crawford ng mga pinagdaanan niya sa Dancing with the Stars sa France.

Ikinuwento niya ito lahat kay Korina Sanchez sa Korina Interviews nung nakaraang Linggo, sa Net25.

Hindi lang siya ang nagtamo ng maraming injuries sa katawan bago ang last performance nila kundi ganundin daw ang partner niyang si Fauve Hautot.

Inamin ni Billy kay Korina na ang asawa niyang si Coleen Garcia ang tunay na dahilan kung bakit niya tinanggap ang offer na mamalagi ng tatlong buwan sa France para sa Dancing with the Stars. “Ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin si Coleen, is my wife. If I didn’t have her full support and if she wasn’t coming… kung hindi siya makakasama sa akin, I would have never said yes,” pakli ni Billy.

“But I asked her na parang, ‘love ito ay a little over three months na I have to stay there, hindi ko kakayanin na wala kayo. Kaya mo bang mag-sacrifice for three months to be with me while I compete. Without hesitation, siya ‘yung nagsabing ‘of course, I’ll be there. So, sumama sila. The baby was with us.

“They were there with me. ‘Yun ang nagbigay sa akin ng malaking check na parang okay kakayanin ko to kahit na anong mangyari because my family is there,” dagdag niyang pahayag.

Pero dumating din daw sa puntong gusto na niyang sumuko at nagpaalam na siya kay Coleen.

Kuwento ni Billy kay Korina: “I had the conversation with Coleen. I remember I was crying. I think that was the seventh week. I had to learn 6 or 7 choreographies in four days and to compete on Friday.

“I remember umiiyak na ako, sinasabi ko kay Coleen, ‘magagalit ka ba sa akin if I quit now? Kasi hindi ko na talaga kaya. I wanted to stop everything.

“Gusto ko nang umuwi. Hindi ko na kaya. The pressure was too much. Masakit na ‘yung buong katawan ko, etcetera, etcetera.

“Ang sagot ni Coleen sa akin, ‘yeah magagalit ako. Akala ko naman isu-sugar­coat niya ‘yung of course we’re here to support you.

“Sabi niya, ‘yeah magagalit ako. Sayang ‘yung pinuntahan natin dito. You should fight, love. You should give it your best. Pero, if you really can’t do it, we understand.

“Sabi ko, ‘Hindi, You said magagalit ka. I’ll take that in my heart. I’ll take that in my head na magagalit ka. I’m gonna push for the fa­mily. So, that’s what gave me the strength.”

Ang daming natutunan ni Billy sa karanasan niyang ito at isa raw doon, kapag kasama mo ang pamilya mo, kakayanin mo ang lahat para lumaban.

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with