^

PSN Showbiz

Kelvin Miranda, gustong mag-explore sa music

Pilipino Star Ngayon
Kelvin Miranda, gustong mag-explore sa music
Kelvin Miranda

MANILA, Philippines — Bongga talaga ang career ng Sparkle leading man Kelvin Miranda dahil may single na rin siya under GMA Music titled Sumayaw na-release na last Nov. 18.

Ang nasabing upbeat track was composed by Viktor Nhiko Sabiniano for his long-time friend, Kelvin.

Siniguro niyang ang kanta ay magiging personal para kay Kelvin, focusing on significant points in his life.

According to Kelvin, the music is not about love but rather about how he was looking for the courage to take a leap of faith.

Kinabahan na may halong excitement ang naramdaman ni Kelvin sa launch of his single, “Sa totoo lang po medyo kinakabahan ako kasi first time namin maglalabas ng upbeat na kanta. S’yempre nae-excite rin ako na marinig ng fans dahil pinaghandaan talaga ito ng kaibigan kong si Nhiko Sabiniano at ni Sir Paulo Agudelo. Talagang pinag-usapan at in-arrange nila ng maganda itong kanta.”

Binahagi rin niya ang meaning ng kanya, “For me, ‘yung word na ‘sayaw’ is a metaphor of being carefree. Parang okay let’s dance, ‘wag na muna natin intindihin ‘yung mga problema kahit for once. Kung may problema ka, isayaw mo na lang. ‘Yung mensahe niya is ‘wag mo pigilan ang sarili mo maging masaya sa mga bagay na alam mong makakapagpasaya sa’yo at hindi makakasama for you.”

“Siguro kaya ito ‘yung napili nilang genre for me is part siya ng exploration, kumbaga pagdating kasi sa music limitless talaga. Kaila­ngan gawa lang ng gawa and kailangan i-explore lahat ng bagay para makabuo ng mas magandang piyesa. Parang artwork siya na kailangan mong lumikom ng iba’t ibang ideas at tunog,” Kelvin further explained.

Meanwhile, Kelvin is optimistic about the future of his music career, “Pinag-uusapan namin nina Sir Tyronne (Escalante), ‘yung manager ko, kung paano namin tatahakin o aayusin ‘yung music career ko. Hinahanap pa namin kung anong genre ang babagay for me and talagang magki-click. Kaya itong Sumayaw part ito ng pag-explore namin kung bagay sa akin or baka may ipipiga pa. Mahirap pero nag-enjoy naman kaming gawin ito. Sana sa mga susunod pang taon, kung mabibigyan pa lalo ng opportunity, maganda pa sana ang mangyari sa music career ko.”

Mapapakinggan ang kanyang latest single na Sumayaw sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

vuukle comment

KELVIN MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with