^

PSN Showbiz

'We're back!': Allan K balik comedy bar business 2 taon matapos ma-bankrupt ng lockdown

Philstar.com
'We're back!': Allan K balik comedy bar business 2 taon matapos ma-bankrupt ng lockdown
Litrato ni Allan K habang inaanunsyo ang nalalapit na pagbubukas ng "Clowns Republik," dalawang taon matapos magsara ng Klownz at Zirkoh noong 2020.
Mula sa Instagram account ni Allan K

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ng TV host, komedyante at negosyanteng si Allan K ang pagbabalik ng kanyang comedy bar, na siyang nagsilbing institusyon na sa industriya ng pagpapatawa at sa kabuuan ng Metro Manila night life.

Matatandaang napilitang isara ni Allan K ang tanyag na Klownz at Zirkoh noong 2020 kasabay ng matinding epekto ng COVID-19 lockdown sa ekonomiya, na siyang nagpatiklop sa hindi na mabilang na negosyo sa nakaraang dalawang taon.

"Hey!!!! We're back!!!" wika ng aktor sa isang Instagram post, Martes, habang inaanunsyo ang nalalapit na pagbubukas ng "Clowns Republik."

"Very very soooon!!!!!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @allan_klownz

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @allan_klownz

Sa kabila nito, wala pang pormal na opening date na ibinibigay ang aktor.

Ipinasilip naman niya ang lalamanin ng panibago niyang bar, na siyang kumpleto na. Mapapansin ding punong-puno ng mural ng mga payaso ang mga pader ng establishment.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @allan_klownz

Bumaha naman ng pagbati sa kanyang mga posts lalo na sa mga kasama niya sa showbiz: "Ayan na Nay!!!" komento ng kapwa Kapuso comedian na si Boobay.

Hindi naman napigilang mapa-"Woooow" ng modelo, host at aktres na si MJ Lastimosa sa pag-bounce back ni Allan.

Mahigit 20 taon nang nakatayo ang Klownz at Zirkoh bago nito isara ang pintuan nito kaugnay ng pandemya, bagay na nagbigay ng trabaho at "break" sa sari-saring komedyante na makapasok sa showbiz.

Ilan sa mga kilalang naging bahagi nito ang mga regulars na sina Wallyn Bayola, Jose Manalo, Ate Gay, Boobay, Boobsie, atbp.

vuukle comment

ALLAN K

COMEDY BAR

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with