^

PSN Showbiz

First time nagka-Chanel bag...mga pera ni Beauty napupunta sa painting at artifacts!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
First time nagka-Chanel bag...mga pera ni Beauty napupunta sa painting at artifacts!
Beauty Gonzales.

Ah kung ang ibang actress ay todo ang pagdi-display ng mga luxury item nila, like Chanel bags, ang actress namang si Beauty Gonzales, first time palang nagkaroon ng ganitong brand ng bag. Nang bigyan lang siya ni Ms. Rei Tan kung saan siya ipinakilalang endorser last week ng BeauteHaus.

Katuwiran ni Beauty, mas gusto niyang ma­ngolekta ng mga painting at artifacts kesa mga mamahaling bag. “Totoo talaga ang sinabi ko na it’s my first time to have a Chanel bag,” aniya sa interview namin.

Hindi ba siya tulad ng ibang celebrity na nagko-collect ng mga luxury bag?

“I do love branded bags, but it’s very piling-pili lang. Kasi hindi ako bumibili ng marami, hindi ako ‘yung, for the sake... just to have a brand, just to have a bag, I’m more of magagamit ko ‘yung bag,” paliwanag niya.

“Hindi ako nagko-collect (ng luxury bags). I collect paintings, art, artifacts, ‘yun ang hilig ko. Doon napupunta ang pera ko,” dagdag pa niya.

Art curator ang husband niyang Norman Crisologo na bago pa raw niya na-meet ay nangongolekta na siya ng painting. “Pero the funny thing is, nang makita niya ang collection ko ang panget daw. Na-enhance niya ang collection ko. Which I’m very thankful, kasi meron siyang eye for art. And I’m lucky I get to know more about art,” pag-amin niya pa.

Bukod sa mga painting mahilig din siya sa mga alahas. Pero hindi mga ordinaryong alahas lang.  “Yah, I love jewelries na may stories. Heritage, I collect... extra vated gold.. gusto ko yung may story it’s more, alam mo ‘yung may value,” banggit niya pa.

Anyway, bukod sa pagiging endorser ng BeauteHaus may natapos na rin siyang international movie na Singapore production ang producer.

May gagawin din siyang teleserye na matindi ang pagiging kontrabida niya.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with