^

PSN Showbiz

BGYO kasama sa paglipad ni Darna

Pilipino Star Ngayon
BGYO kasama sa paglipad ni Darna

MANILA, Philippines — Nakikiisa ang BGYO sa matinding laban ni Darna ng bagong henerasyon sa nakaka-inspire nitong awitin na Patuloy Lang ang Lipad, ang pangunahing theme song ng bagong ABS-CBN Entertainment series na Mars ­Ravelo’s Darna.

Tampok sa pinakabagong P-pop offering nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang excitement at pagtitiwala kay Darna na ginagampanan ni Jane De Leon na nagtataglay ng katapangan at pagmamahal para sa taong-bayan ng Nueva Esperanza.

Inilusad isang araw bago nagsimulang umere ang Darna noong Agosto 15, nakasungkit agad ang soundtrack ng higit sa 136,000 streams sa Spotify at halos 100,000 views sa YouTube.

Nanguna rin ang kanta sa iTunes hindi lamang sa Philippines kundi pati na rin sa Singapore, UAE, at Saudi Arabia pagkalunsad nito.

Inawit din ng BGYO ang kanta sa isang live performance sa ASAP Natin ‘To tampok ang cast ng serye.

Ang mga Kapamilya singer-songwriter na sina Angela Ken, Trisha Denise, SAB, at Lian Kyla ang sumulat ng liriko ng Patuloy Lang Ang Lipad kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siyang nag­lapat ng musika at nagprodyus ng awitin.

vuukle comment

BGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with