^

PSN Showbiz

Elikoy, pahinga muna

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, tiyak na masa-sad ang mga fans ng EliKoy “love team” nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos dahil mukhang matatagalan pa bago magsama uli sa isang project ang dalawa.

Kahit sobrang sikat sila sa Gameboys series, parang sa daming gagawin nila na hindi magkasama ay bibilangin ng taon (o baka lampas pa) bago sila magsamang muli sa isang project, huh!

Sa chikahan kasi namin ni Direk Perci Intalan (na isa sa mga manager nila), naikuwento niyang, “Si Kokoy, ang projects kasi, may movie na Death By Desire na produced namin for Viva Films, directed by Prime Cruz, ‘tapos may Running Man Philippines siya sa GMA 7. May isa pang series na parating.

“And ‘yung Amoral pala niya na directed by Jun (Lana) patapos na post production.

“Si Elijah, may Suntok Sa Buwan sa TV5 at katatapos lang ng Blue Room at ipalalabas na soon ‘yung Livescream ko na bida siya.

“Then ‘yung About Us But Not About Us ni Jun. Then may dalawa pang movies siya na parating. Sobrang busy rin,” kuwento ni Direk Perci.

In fairness, parehong ang bongga talaga ng career ngayon nina Elijah at Kokoy dahil na rin sa success ng BL (boys’ love) series nila na Gameboys, huh!

Pero ‘yon nga lang, after ng Gameboys 2, mabibitin lang talaga ang fans nila dahil wala silang project together.

Jodi, ‘di naitama ang surname sa poster

May mga poster na ang FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pasasalamat World Tour.

Iba-iba ang producer no’n at hindi ko pa natatanong kung ilang cities ba ang world tour ni Coco Martin at ng kanyang mga kasama.

Anyway, sa isa sa mga poster na nakita ko (hindi ‘yung sa Las Vegas, Nevada on Sept. 23 dahil hindi sila naglagay ng pangalan ng mga artista sa poster nila), aba, nakalagay nga ang pangalan ng ibang mga artista like Raymart Santiago, Jodi Sta. Maria at Shaina Magdayao, pero may mali naman.

Santa Maria kasi ang spelling ng surname ni Jodi, so, mali ‘yon. Dapat ay Sta. Maria.

Hindi kaya dapat ay tsinek nilang mabuti bago nila inilabas ang poster?

Well... ‘Yun na!

vuukle comment

KOKOY DE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with