^

PSN Showbiz

Ejay, hindi naging madali ang laban

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ejay, hindi naging madali ang laban
Ejay Falcon.

Malaki ang pasasalamat ni Ejay Falcon sa kanyang mga kababayan sa Oriental Mindoro dahil sa kanyang pagkapanalo sa katatapos pa lamang na halalan.

Nanalo bilang Bise Gobernador ang aktor sa kanilang lalawigan. “Sa lahat po ng nanindigan, nagpakita ng suporta, nagtiwala, nagmahal at bukas-palad na tumanggap sa isang Ejay Falcon, hindi bilang artista kundi bilang isang kababayan n’yo na nagnanais maglingkod ng buong puso, Maraming salamat po,” post ni Ejay sa Instagram.

Ayon sa aktor ay talagang maraming humusga sa kanyang kakayahan upang manungkulan sa gobyerno. “Hindi naging madali ang laban pero bawat isa po sa inyo ang dahilan kung bakit po tayo nagtagumpay. Ilang beses po tayong ibinaba, minaliit at hinusgahan pero kayo po ang nag-angat at nagpanalo sa isang Ejay Falcon. Utang ko po sa inyo ito at hayaan n’yo pong bayaran ko kayo ng tapat at malinis na paglilingkod.

“Ang mga ngiti, palakpak at hiyaw n’yo po ang nagbigay sa akin ng lakas na kaya natin ito. Hindi ko po maipaliwanag sa mga salita ang saya at galak na nararamdaman ko ngayon dahil gustong gusto ko na pong magsimulang maglingkod sa inyo,” pagpapatuloy ng binata.

“Sa lahat ng mga kabataan, ito na si Ejay Falcon ang kuya n’yo sa Sangguniang Panlalawigan. Umasa po kayo mga kababayan ko na may action star po kayo na magtatanggol at tutulong para sa kapakanan at interes ng lalawigan at magbibigay ng dobleng aksyon para sa mga mamamayan. Ito po ang bagong Bise Gobernador ng Oriental Mindoro, ready to serve you. Ejay Falcon-Midoreno-Kakampi n’yo,” pagtatapos niya.

Zeinab, nandiri sa sarili dahil sa panloloko ng partner

Kamakailan ay nagkahiwalay na sina Zeinab Harake at Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee. Ang pambababae umano ng sikat na rapper ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. “Parang may day na binigay sa akin si God na ‘wag akong sumama sa kanya na may pupuntahan siya. Tapos ang nangyari, naiwan ako sa bahay. Do’n ko nahuli, sa laptop. Pero hindi ‘yon ‘yung worst eh. Nagkapatawaran pa kami after no’n akala ko ayun lang, hindi pala,” panimulang kwento ni Zeinab sa YouTube channel ni Toni Gonzaga.

Nitong Enero lamang daw nalaman ni Zeinab ang mga kalokohang ginawa ni Skusta Clee. Noon ay ipinagbubuntis pa lamang ng video blogger ang kanilang pangalawang anak. “’Yung inamin niya sobrang brutal, sobrang gusto ko talagang… ‘pag naalala ko nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko. Naawa ako kay Bia (anak ng dalawa). Hindi ko alam saan ako lulugar. Hindi ako perpektong asawa pero hindi ‘yon reason para ganunin ako para sa lahat ng ginawa ko para sa iyo,” emosyonal niyang pahayag.

Pagkatapos ng mga pangyayari noon ay napatawad pa rin ni Zeinab si Skusta Clee. Hanggang sa dumating ang panahon na hindi na talaga maayos ang pagsasama ng dalawa kaya tuluyang nagkahiwalay. “Okay kami, like okay, masayang-masaya kami. May mga away kami mula January pero ‘yung away mag-asawa lang na akala ko ‘pag nagkaaway kami, magkakabati kami, okay na, hindi pala. March, do’n na talaga. Lagi niya na akong iniiwan. Talagang dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kanya,” pagbabahagi ni Zeinab. (Reports from JCC)

vuukle comment

EJAY FALCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with