^

PSN Showbiz

Kit laya na, ana itutuloy ang demanda sa karelasyon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sumasagot naman si Ana Jalandoni sa mga text kapag kinukumusta siya. Pero kapag may tinatanong tungkol sa kaso nila ni Kit Thompson, ipinapasa niya kami sa kanyang legal co-un­sel.

Ayon kay Ana, okay na ang kalagayan niya ngayon pero nasa hospital pa rin siya para tuluy-tuloy na ang paggaling niya.

Sa ngayon ay ang abogado na muna ang nagbibigay ng pahayag para sa panig ng aktres.

  Ayon kay Atty. Faye Singson, nasa hearing pa raw siya, kaya hindi pa siya handa sa interview.

Pero pursigido raw si Ana na sampahan ng kaso si Kit. “Yes. She is bent on pursuing the case. Äctually, we are preparing to press charges to the fullest extent of the law,” reply sa text ni Atty. Faye sa akin.

At tinanong ko rin si Ana kung totoong nagdadalangtao siya. Narinig na kasi namin ang tsismis na ito bago pa pumutok ang isyung bugbugan nila ni Kit.

Itinanggi ito ni Ana. “Hindi po ako preggy, Wala ‘yan katotohanan.”

Samantala, ang legal counsel din muna ng Cornerstone ang humaharap para kay Kit. Pero wala silang bagong statement bagama’t ganap na 5:30 kahapon ng hapon ay nakalaya na ang aktor mataps magbayad ng piyansa.

Natama sa weekend ang pag-inquest sa kanya, kaya kahapon lang ito nakalabas ng kulungan.

Nagpadala rin pala ng flowers kay Ana sa hospital si Erickson Raymundo na ipinost naman ng sexy star.

Sa pagkakaalam ko ang Cornerstone ang nagha-handle sa mag-jowa na nagbugbugan noong nakaraang linggo.

Jeric at Rabiya, hiwalay muna

Nasa Iloilo raw ngayon si Rabiya Mateo para sa ilang araw na shooting ng isang pelikula kasama si Ian Veneracion.

Si Jeric Gonzales naman ay katatapos lang ng pictorial sa Bench Body.         

Ang saya nga raw ngayon ng aktor, at mukhang inspired na inspired siya. Iba nga talaga ang in love. Pero ang isa sa ikinasaya niya ay marami ang natuwa sa relasyon nila ni Rabiya.

Tuluy-tuloy ang blessings sa kanya, lalo na’t  ka-join siya sa Start Up Ph nina Alden Richards at Bea Alonzo.  

Excited din si Jeric sa launching movie niyang Broken Blooms na isasali pala sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal.

Sana nga raw ay makasama siya sa naturang film festival kung kakayanin sa schedule niya. “Sana makapunta po ako sa filmfest kasi it’s my dream po talaga,”pakli ni Jeric nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang linggo.

Ang kantang Hihintayin Kita ni Jeric ang theme song din ng naturang pelikula.

Pero sabi ni Jeric, mas maraming aabangan daw sa pelikulang ito na hindi pa niya nagagawa.

Tinanong kasi namin sa kanya kung kakayanin ba niya ang pagiging daring dito ng co-actor niyang si Royce Cabrera.

“Kung daring dun si Royce Cabrera, masasabi kong magugulat kayo sa akin. Mas daring ako dun,” napapangiting sagot ni Jeric.

Nagulat din ang aktor nang hiningan ko siya ng reaksyon sa sinabi ng isa pa niyang co-actor dito sa Broken Blooms na si Boobay.

Sabi kasi ni Boobay, dati raw sobra ang pagnanasa  niya kay Jeric. Pero ngayong nakasama niya ito sa trabaho, napalitan na raw ito ng paghanga. Na­ging idol na raw niya si Jeric.

Saad ni Jeric; “I’m flattered, masaya ako, and sinasabi ko ring idol ko rin siya kasi ang galing galing din niya dun sa pelikula,” saad ng Kapuso hunk.

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with