^

PSN Showbiz

John Lloyd, seryoso na sa pintor na karelasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Siguro, Salve, seryoso na ang relationship ni John Lloyd Cruz sa GF niyang painter. Kasi nga isinama na niya ito sa bon­ding time nila ng anak niyang si Elias.

Siyempre naman hindi gugustuhin ni John Lloyd na malito ang bata na may kasama siya now, then later iba na naman.

Mukhang serious siya sa GF para makasama ito sa precious time niya sa anak na si Elias.

Cute naman dahil ang gandang setup, sabay mong kasama ang mga taong mahal mo sa libre mong oras. As of now, busy ang sked ni John Lloyd dahil may regular show siya plus mga guesting.

Sa nakikita mo, parang good father si John Lloyd dahil nagbibigay oras siya para sa anak.

Pinairal ang kababawan...

OA naman ang reaction ni Nora Aunor sa sagot ni Mayor Joy Belmonte sa request ng Noranians yata na sana tulad ni FPJ bigyan din ng isang street na ipapangalan kay Nora Aunor. Siyempre, ang sagot ni Mayor Joy, ‘yung nasa batas na puwede lang gamitin ang pangalan ng isang tao to honor him/her ‘pag patay na ito.

Ang naging reaction daw ng followers at mismong si Nora huwag naman siyang patayin agad, kaloka ‘di ba?

Bigyang-malisya ang isang mati­nong sagot at gawing issue.

Naku, malaking kababawan talaga at nakakainit ng ulo.

Ang ganda-ganda ng sagot ni Mayor Joy, bibigyan ng ibang kulay para lang magkaroon ng pag-uusapan, pathetic talaga. Mabuti na lang at level headed ang mabait na Mayor ng Quezon City at galing sa pamilya na talagang mapuso at mabait sa kanilang kapwa kaya hindi pinansin ang kababawan ng follo­wers ni Nora.

Kung minsan talaga, dapat huwag nakikinig sa followers mo na medyo may kakitiran ang pananaw sa buhay.

Kasi nga, kung minsan dito nagsisimula ang gulo. Aral ito sa mga artista na nagpapadala sa sulsol ng kanilang followers na hardcore at war freaks. No issue, nothing. Finish!

vuukle comment

ELIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with