^

PSN Showbiz

Eva, pangmalakasan ang pampainit

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Eva, pangmalakasan ang pampainit
Angeli Khang
STAR/ File

Paiinitin ng isang babaeng nagngangalang Eva ang malamig na Disyembre ang manonood ng Vivamax.

Ang pelikulang Eva ay isang erotic-drama movie na pinagbibidahan ng Vivamax K-Krush na si Angeli Khang, fresh mula sa massive success ng kanyang unang pelikulang pinagbidahan, ang Mahjong Nights.

Ngayon naman, gagampanan niya ang role ni  Eva, isang kasambahay na maraming gustong malaman pagdating sa sex. Dahil dito, mauuwi siya sa isang kakaibang pangyayari kasama ang kanyang boss na si Victoria (Sab Aggabao), at Lauro (Marco Gomez), isang houseboy ng kapitbahay na makailang beses na ring nakikipagtalik kay Eva.

Ang mapusok na gabing ito ang magiging daan upang magtaka si Eva sa tunay niyang nararamdaman para kina Victoria at Lauro, at hahantong sa puntong kakailanganin niyang mamili sa dalawa.

Kasama ni Angeli sa obra ni Jeffrey Hidalgo ang ilan sa hottest stars ng Vivamax.

Ang hunk actor na nakilala sa mga role niya sa Maria at Encounter, si Ivan Padilla. Gumaganap si Ivan bilang si Andrew,  isang model na makakanaig ng boss ni Eva. Gaganap naman ang sexy actress mula sa Pornstar 2 na si Sab Aggabao bilang Victoria, isang mapang-akit at sexually liberated na babae. Ang bida naman ng Silab at House Tour na si Marco Gomez ang gaganap na Lauro, isang houseboy na papawi sa mga uhaw at pagnanasa ni Eva.

Sa isang panayam kay Angeli, ipinahayag niya ang kasiyahan niya para sa mga oportunidad  na dumating sa kanya, “Sobrang nakaka-flatter talaga. Thankfully na-deliver ko lahat… I’m thankful din na nakita nila yung potential ko and sobrang thankful ako na na-appreciate nila yung efforts ko…”

Ang pelikulang Eva ay mula sa direksyon ng actor at singer na si Jeffrey Hidalgo. Bukod sa pagiging mahusay at kilalang actor at singer dito sa bansa, pinatunayan din niya ang husay niya sa direksyon para sa telebisyon at pelikula, nagkaroon pa ito ng nominasyon para sa best director mula sa mga prestiryosong FAMAS awards at Star Award for Movies. Muling ipapakita ni Hidalgo ang husay niya sa pagtatahi-tahi ng kwento sa pagdating ni Eva sa ating mga screen.

Kilalanin ang makasalanan niyang mundo, mapapanood na ang Eva sa Vivamax ngayong dara­ting na Disyembre 24, 2021.

vuukle comment

EVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with