^

PSN Showbiz

Janine, ikinasal na!

Pilipino Star Ngayon
Janine, ikinasal na!
Paolo at Janine
STAR/ File

Excited na ang viewers na mapanood ang bagong Kapamilya star at award-winning actress na si Janine Gutierrez sa unang Kapamil­ya teleserye niyang Marry Me, Marry You. Umabot nga sa isang milyong views sa loob ng anim na oras ang patikim na video na inilabas ng ABS-CBN Entertainment at Dreamscape sa Facebook at YouTube noong Miyerkules (Hunyo 30).

Sa mala-wedding video na “first look,” makikitang nakasuot ng wedding gown si Janine at nakaharap sa altar kasama ang leading­ man niyang si Paulo Avelino. Hindi rin nagpahuli ang co-stars at mga direktor nila sa serye na pawang mga nakadamit pangkasal na para bang dumalo sa isang totoong wedding ceremony.

“Sobrang excited ako kasi base sa mga na-shoot na natin, nakakakilig. Kinikilig ako so I’m sure kikiligin din ang mga Kapamilya natin. Matagal ko nang pinagdarasal na magkaroon ng ganitong klaseng kwento na sweet, heartfelt, romantic pero comedy at saka naipapakita ang mga nararanasan at mga hinahangad nating mangyari sa buhay natin,” sinabi ni Janine, na nagwagi ng Gawad Urian Best Actress Award noong 2020.

Pahayag naman ni Paulo, “I’m very excited since first teleserye rin ito ni Janine sa ABS. I’m always very excited to work with people na hindi ko pa nakakatrabaho dito, not just Janine, but a lot of the cast as well. Sino ba namang leading man ang hindi matutuwa na maganda ang kaharap niya lagi at nakikita araw-araw?”

Gaya ni Janine, unang beses ding bibida sa isang Kapamilya teleserye ang co-stars niyang sina Sunshine Dizon at Jake Ejercito.

Gagampanan nina Janine at Paulo sina Camille at Andrei, na mula sa dalawang magkaibang pamilya at pagtatagpuin ng tadhana, ayon sa direktor nitong si Dwein Ruedas Baltazar. Dagdag pa niya, “relatable” ang serye at makakakuha ng ginhawa ang mga viewer mula sa kwento nito.

“I wanted something na the audience can come home to, bukod sa relate to, kapag pagod sila or nade-drain na sila sa life. Kapag pinanood nila ‘yung show, may comfort silang mararamdaman dito, parang mini-sanctuary ­na pwede nilang maging takas,” sabi ni Direk Dwein.

Sabi naman ni Direk Jojo Saguin, “hindi typical teleserye” ang prog­rama at magbibigay ito ng pag-asa, inspirasyon, at maraming aral para sa mga pamilya.

“As much as possible, our goal is to be light pero nakakapagpaiyak ng tao. Hindi ‘yung may walling, matataas ang boses na may sigawan. Dito, ita-try natin na ibahin. Kahit siya light, may kurot sa puso,” pahayag ni Direk Jojo.

“Masasabi nila na “isa ako sa pamilya na ‘yun e. Masaya ang pamilya ko kahit nakakaranas kami ng ganitong pangyayari at problema.’ Merong aral na matuturo. In the end, family is love. Family is forever,” sabi niya.

JANINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->