^

PSN Showbiz

Liza at Catriona, napuno ang salop

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liza at Catriona, napuno ang salop
Catriona

Tinuluyan pala ni Liza Soberano ‘yung nang-harass sa kanya sa social media. Siguro nga ‘pag sobra na ang ginagawa ng iba, dapat na ring may gawing hakbang ang mga artista para maging responsible rin ang mga gumagamit ng social media.

Ok lang ‘yung mga constructive comment, ok din pag magkaiba kayo ng paniniwala, pero ang hindi maganda ay ‘yung gumagamit ng gutter language, ‘yung nagmumura at nananakot.

‘Pag ganyan na nag-umpisa na pumupunta na sa legal na daan ang mga bina-bash nilang artista, kahit papaano ay katatakutan na rin nila na mag-overkill sa pamimintas o pamba-bash.

Hindi naman dapat abusuhin ang anumang bagay, open nga ang comment section pero sana naman maging maayos ang pagpuna.

Hayan, nagalit na sina Liza Soberano at Catriona Gray, hitsurang pandemic, nagdemanda, paano na iyan? Kaya dapat maingat.

KathNiel, dapat nang ikasal

Sabi ng mga nakakita para na raw married couple sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa sobrang closeness.

Maganda, dahil talaga namang kung nagmamahalan kayo, doon din naman ang punta ng relasyon n’yo, ang maging married couple.

Harmonious naman ang samahan nila kahit pa nga ang mga mother nila ay friends, kaya walang masama kung sakali at ngayon pa lang kasal na sila. Bagay na bagay naman ang dalawa, at maging sa kanilang career nagkaka­tulungan sila, so why not get married?

Kung totoo nga, congratulations.

Birthday ni Sen. Bong, laging masama ang panahon

Ang lakas ng kidlat at kulog pag hapon ha. Naalala ko tuloy noong taong sobrang baha dahil sa bagyong Ondoy na birthday ni Bong Revilla sa White Space. Lahat ng pumunta, na-stranded sa baha.

Ewan ko kung bakit tuwing birthday ni Bong ay masama ang panahon, para bang pahiwatig ng bigat ng responsibilidad niya bilang pulitiko o isang celebrity.

Iyon bang heto ang hirap, mamaya maaayos din iyan, kaya magtiyaga ka lang, ibuhos mo ang puso mo, punuin mo ng tapang ang sarili mo, dahil lahat ng hirap matatapos din at sisilay uli ang isang magandang panahon para sa iyo.

Ewan ko kung bakit naisip ko na parang ganoon ang buhay ni Bong, maulan at maingay, pero lahat naman ay nalalagpasan niya. Lahat naman ng pangarap niya nararating niya.

Lagi naman siyang bini­bigyan ng chance to redeem himself, and to prove his point. Always reminding him, that God is good, that He always protect His child.

Lalo na ngayon na Bong is an adult orphan, wala na ang mother at father niya na lagi niyang takbuhan tuwing nanghihina ang loob niya. Mas lalo pa siyang binibigyan ng armor para mas tumibay.

Belated happy birthday, Bong Revilla, at mula sa mga bata na napasaya mo sa kanilang natanggap na tablet at cellphones na magagamit nila sa kanilang pag-aaral, ang malakas at sincere na palakpak para sa iyo, our senator and our amazing hero, Bong Revilla.

CATRIONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->