^

PSN Showbiz

Hunk actor na hawak ng designer, naging honest sa gay businessman

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayon lang namin nalaman mula sa isang source na nagkaroon pala ng panahong malapit nang makarelasyon ng isang kilalang beking negosyante ang isang hunk actor.

Ayon sa kuwento ay ipinakilala ng isang kaibigan ang hunk actor sa gay businessman sa isang party. Nagkuwentuhan sila, nagbalitaan, hanggang sa nagpalitan na sila ng phone number.

Kuwento ng aming source, “After ng party, nag-text agad sa gay businessman ang male personality. Simple lang naman ang kanyang mensahe, ‘Nice talking to you. Take care.’

“Natural, masayang-masaya ang gay businessman! Talagang nag-effort ang male personality na i-text siya! May nakikita nang liwanag ang beki na one day, mauuwi na sa mas malalim na pagkakaibigan ang relasyon nila!

“Sumagot naman ang gay businessman, ‘Same here. Until next time. You take care too.’ Di ba naman? Pareho silang umuwing masaya, lalo na ang beki, dahil mukhang may pupuntahan ang pagkikilala nila ng hunk actor na kinababaliwan ng mga girls!” unang kuwento ng aming impormante.

Hindi na nakapagpigil ang gay businessman kinabukasan, nag-text na ito agad sa kanyang paggising pa lang sa hunk actor, nagparamdam na agad ang beki.

“Aba, sumagot naman ang hunk actor! Naisip ng beki, mukhang nakikipag-close din sa kanya ang hunk actor! Baka may matinding pangangailangan!

“That same night, nagkasundo silang magkita, nag-dinner sila sa isang pabolosong steak house. Masaya ang kuwentuhan nila, masarap kausap ang hunk actor, kaya naman lalong nagkainteres sa kanya ang gay businessman.

“Pero napalitan ng lungkot ang kaligayahan ng gay businessman, sa kuwentuhan kasi nila, e, nabanggit ng hunk actor na hindi siya open sa pakikipag­relasyon.

“Bakit? Nu’ng time na ‘yun pala kasi, e, hawak na siya ng isang gay designer. Matagal na pala ang relasyon nila, pero kahit ganu’n, e, hindi niya tinatanggihan ang mga beking gustong makipagkaibigan sa kanya.

“Naisip na lang ng gay businessman na nakakainggit naman ang gay designer, ipinagmamalaki talaga ng hunk actor ang relasyon nila, proud ang male personality at hindi namamangka sa dalawang ilog!

“Madaling hulaan kung sino ang male personality. Ka-initials niya ang isang kilalang radio station na waley na ngayon,” pagtatapos ng aming soure.

Ubos!

Nag-hunger strike bago namatay, nanay ni Gabby dinala sa hukay ang sama ng loob sa aktor

Sa halip na maresolbahan ay mas lumalim pa pala ang hidwaang namamagitan kay Gabby Concepcion at sa kanyang pamilya. Matindi ang saloobin ng mga kapatid ng aktor dahil sa pinaglalabanan nila sa husgadong propyedad na nagbigay ng depresyon sa kanilang ina.

Ang lumabas na pagpanaw ng kanilang inang si Mommy Baby ay may kinalaman sa COVID-19, pero kung ang kapatid ni Gabby na si Mike ang tatanungin ay hindi, chronic depression ang nakikitang dahilan ng magkakapatid.

Matinding depresyon diumano ang ibinigay ni Gabby kay Mommy Baby dahil natuklasan nga ng pamilya ang pag-angkin niya sa lupa na dapat ay hahatiin sa kanilang magkakapatid.

Ipinaglalaban din ng mga kapatid ni Gabby na hindi pirma ng kanilang ina ang nasa ibinentang proyedad ng aktor at pineke lang.

Masamang-masama ang loob ng kanyang mga kapatid dahil mula nang magkasakit si Mommy Baby hanggang sa pumanaw ay hindi man lang sinilip ni Gabby ang kanyang ina.

Sa halip, ilang oras pa lang pagkatapos pumanaw ng kanilang ina ay nagpadala raw si Gabby ng truck ng mga armadong Coast Guard para hakutin ang kanyang mga kagamitan sa bahay nila sa P. Guevarra, San Juan, tulad din ng ginawa niya nu’ng mamatay ang kanilang amang si Daddy Rolly.

Damdamin ng kanyang mga kapatid, bilang respeto man lang sana sa pumanaw nilang ina ay ipinagpaliban na muna ni Gabby ang paghahakot, pero hindi na siya nakapaghintay ng disenteng pagkakataon.

Tuloy pa rin ang pinaglalabanan nilang asunto sa korte, nagkawatak-watak ang dating magkakalapit na magkakapatid, pumanaw si Mommy Baby na bitbit ang matinding sama ng loob kay Gabby.

Ayon kay kapatid na Jobert Sucaldito sa pakikipag-usap nito kay Mike na kapatid ni Gabby, nitong mga huling panahon ay nag-hunger strike na si Mommy Baby, hindi na rin nito iniinom ang kanyang mga gamot lalo na sa kumplikasyon ng diabetes hanggang sa manghina na nang tuluyan at pumanaw.

Siguradong may boses si Gabby Concepcion na gusto rin niyang marinig bilang paglilinaw sa kanyang panig sa problemang pampamilyang ito.

Kung kailan siya magsasalita ay hintayin na lang natin dahil palaging may dalawang panig ang anumang isyu.

vuukle comment

HUNK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with