^

PSN Showbiz

Arci, nagsalita na sa pagkatanggal sa serye

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arci, nagsalita na sa pagkatanggal sa serye
Arci

Kamakailan ay nawala na ang karakter ni Arci Muñoz sa teleseryeng Pamilya Ko bilang si Betty. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng mga bulung-bulungan na diumano’y nagkaroon ng attitude problem ang aktres sa trabaho kaya kinailangang tanggalin sa nasabing serye. “Hindi, nag-usap kami talaga ng production. Love ko ‘yan, family ko ‘yan. Diyan ako nagsimula kina RSB (Ruel S. Bayani) unit. Kasi ang dami ko ring gustong gawin talaga na mga proyekto na hindi ko magagawa,” paglilinaw ni Arci.

Ayon pa sa aktres ay maayos naman ang resulta ng pag-uusap nila ng pamunuan ng programa kaya walang naging problema sa kanyang pag-alis. “Binigay nila sa akin, pinagbigyan nila ako. Kasi mayroon akong isang pelikula na gusto kong gawin, mga independent film na never ko pang nagawa sa buong buhay ko. So dalawang indie ‘yon na gustung-gusto kong gawin na nagkakaroon ng conflict sa schedule ko,” dagdag pa niya.

Ilang mga proyekto na rin ang tinanggihang tanggapin ni Arci dahil sa dalawang independent films na kanyang gustong gawin. “Naintindihan naman nila ako na ‘yon ang naging choice ko at napag-usapan namin. Maigi nang nando’n ako sa set kasama ng mga boss na ayon sa schedule, hindi permitted. Okay naman kami, scheduling lang talaga ‘yung naging problema. Sobrang bait nila at sobrang mahinahon nila ako kinausap on set,” kwento ng aktres.

Loisa at Ronnie, parehong magiging pulis

Malaki ang pasasalamat nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte at Donny Pangilinan sa mga tumangkilik sa kanilang pelikulang James & Pat & Dave. Ayon kay Loisa ay talagang sulit ang lahat ng kanilang naging pagod upang mapaganda ang naturang proyekto para sa mga mano­nood. “Kami sobrang nagpapasalamat po talaga kami buong puso sa mga nanood at sumuporta ng pelikula na James & Pat & Dave. Sobrang thankful po talaga kami sa mga taong binigyan namin ng saya at binigyan din nila kami ng saya,” nakangiting pahayag ni Loisa.

Ngayon ay may mga bagong proyekto nang gagawin ang aktres kasama si Ronnie. Bukod sa isang digital project ay isang teleserye din ang nakatakdang gawin ng magkasintahan. “So panibago at ibang role naman ‘yung gagampanan namin. Kakaiba, malayo sa James & Pat & Dave kasi pulis kami dito. Excited kami na makita rin ng mga tao. Kasi ‘yon nga, sobrang iba sa character namin. Meron din kaming teleserye na gagawin, malapit nang mag-taping,” pagbabahagi ng dalaga. 

Samantala, magbibida naman si Donny sa digital series na He’s Into Her na malapit na ring mapanood sa iWant. Ayon sa aktor ay kailangan itong pakaabangan ng mga tagahanga. “We just saw the trailer, first time kong mapanood. ‘Yung footage lang ng He’s Into Her in general, sobrang excited ako na maipakita,” paglalahad naman ni Donny. Reports from JCC

     

vuukle comment

ARCI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with