^

PSN Showbiz

Doktor na tumingin kay Mother Teresa, namaalam din

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Doktor na tumingin kay Mother Teresa, namaalam din

What a week. Imagine, we lost a showbiz icon dahil sa pagkamatay ni Eddie Garcia noong June 20 at sa pagpanaw ng medical icon na si Dr. Raul Fores, ang tatay ng ta­lent manager na si Veana Fores.

Sikat na doktor si Dr. Fores dahil isa ito sa mga founder ng Makati Medical Center kaya kilalang-kilala siya.

In fact, nagpunta si Veana sa Vatican City nang ideklara na santa si Mother Teresa of Calcutta dahil ang tatay niya ang tumingin kay Mother Teresa nang hindi mabuti ang pakiramdam nito nang bumisita siya noon sa Pilipinas.

Two icons ang nawala sa atin kaya taos-puso ang pakikiramay ko sa mga pamilya na naulila nila. Ipagdasal din natin ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa. Our deepest sympathy and prayers sa mga naiwan nina Eddie at Dr. Fores. We love you, Mama Veana.

Legacy ni Manoy forever na!

So sad but knowing he died peacefully and like a soldier with his boots on, we said a little prayer for the soul of the most respected and well-loved actor Eddie Garcia.

We honor the sadness felt by his family but the legacy he left behind will forever linger in our minds.

Nakakalungkot pero laging sinasabi ni Eddie na hanggang sa huling hini­nga niya, he will still act and be an actor.

At the age of 90, hindi pa rin niya mabitawan ang propesyon na minahal niya sa matagal at mahabang panahon.

Maraming beses na nagpalit ng dekada, loveteams at mga hinahangaan na idolo pero nandiyan pa rin ang isang Eddie Garcia.

We will surely miss him pero ang sarap sa pakiramdam na maraming alaala na naiwan si Eddie Garcia.

Ang mga pelikula niya na puwedeng balik-balikan at ang magandang legacy para sa kanyang mga kasamahan na artista. Rest in peace Eddie Garcia. We salute you icon and idol!

Mental health issues marami nang nakakaintindi

May certain sadness sa paligid na nararamdaman ko, ang sadness na bigla na lang nararamdaman.

Siguro nga totoo ang sinasabi ng iba na kahit hindi ka nag-iisip ng anuman, something will suddenly hit you in the heart.

Isang doktor ang nagsabi na hindi basta pumapasok sa utak ang depression na napi-feel ng mga tao. Parang sakit din ng ulo, hilo at lagnat ang depression na bigla na lang nararamdaman.

Hindi lang dahil nag-isip ka ng malungkot o may ikinagalit ka kaya ka na-depress. No.

Isang uri ng sakit ang depression na mararamdaman mo, hindi dahil nag-iisip ka ng malungkot. Siguro nga, ang ibang tao, hindi malabanan ang lungkot na nararamdaman kaya hindi makaya ng utak nila.

Mabuti na lang, sa panahon ngayon aware na tayo tungkol sa depression at mental health issues kaya natutulungan na ang mga tao na may ganoong karamdaman.

Alam na natin ang ibig sabihin at nararamdaman ng mga bipolar, ng mga depressed people at schizophrenic.

Pamilyar na rin tayo sa mga term na panic attack na dating “sumpong” at “arte” lang ang pagkakaintindi natin pero isang uri rin pala ng sakit. Now we fully understand everything about mental health issues. Thank God.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

RAUL FORES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with