^

PSN Showbiz

Tatay ni Alden puring-puri ang ginawa ni Maine!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Pinagdidiyeta, Kylie itutuloy ang naudlot nila ni Ruru

SEEN: Nilinaw ng tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, Sr. na hindi siya ang may-ari ng social media account na pumuri sa pagpapakatotoo ni Maine Mendoza.

Walang kinalaman ang tatay ni Alden sa fake news na ikinakalat ng poser niya.

SCENE: “I salute Maine Mendoza for being real. She really deserves freedom. So guy’s let’s understand her. Dahil sa open letter niya, mas maraming tao ang humanga sa kanya at isa na ako d’on,” ang ikinalat na statement ng poser ng tatay ni Alden Richards.

SEEN: Ang balita na sinabihan si Kylie Padilla na magpapayat dahil siya ang napipisil na leading lady sa primetime teleserye ng GMA 7 na tatampukan ni Ruru Madrid. Loveteam sina Kylie at Ruru sa remake ng Encantadia pero pinatay ang karakter ng aktres nang magbuntis ito sa anak nila ni Aljur Abrenica.

SCENE: Ang trade launch ng ABS-CBN sa Vertis North noong Martes. Ipinakilala ng Kapamilya Network ang mga bagong programa nila sa 2018.

SEEN: Ang fantaserye na Bagani ang bagong primetime teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ABS-CBN. Co-stars nina Enrique at Liza sa Bagani sina Sofia Andres, Makisig Morales, at Matteo Guidicelli.

SCENE: May elemento ng apoy, hangin, tubig, lupa, at kahoy ang kuwento ng Bagani na hindi nalalayo sa mga elemento na ginamit sa kuwento ng Encantadia ng GMA 7.

SEEN: Wala si Robin Padilla sa trade launch ng ABS-CBN dahil dumalo siya sa premiere night ng Unexpectedly Yours sa SM Megamall Cinema 7 noong Martes. Bida si Robin sa Sana Dalawa Ang Puso Ko, ang teleserye nila nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa Kapamilya Network.

SCENE: Pagkatapos ng Eat Bulaga kahapon, nagpunta si Paolo Ballesteros sa mga sinehan na pinagpapalabasan ng Barbi, D’ Wonder Beki para personal na pasalamatan ang mga tumangkilik sa pelikula niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with