^

PSN Showbiz

?Ilang sexy star marami pa ring raket sa Japan?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Uso pa rin pala ang pagraket sa Japan ng mga artista at nalaman ko ito mula sa mga kababayan natin sa Tokyo.

Ang sey ng mga nakausap ko, rumaraket sa mga club sa Tokyo ang mga dating sexy star na sina Maui Taylor at Katya Santos.

Tumatagal ng isang linggo ang raket nila sa iba’t-ibang mga nightclub sa Tokyo na dinarayo ng Japanese businessmen na mahilig sa nightlife.

Puyatan ang raket dahil inaabot ito nang 6 a.m. pero bongga ang datung na kinikita ng mga artista na nagpupunta sa Japan, kahit wala silang mga pelikula o regular television show sa Pilipinas.

Hindi lamang sina Katya at Maui ang rumaraket sa Japan dahil may mga aktor din na kumikita ng limpak-limpak na datung sa kanilang mga sideline bilang hosto.

Ikinuwento ng source ko na nakapagpundar ng properties ang former actor na may initials na J.A. na nag-hosto sa Japan. May kapatid din na aktor ang former actor pero mas sumikat kesa sa kanya.

Hindi man naging successful ang showbiz career sa Pilipinas ng former actor, tagumpay naman siya bilang hosto sa Japan.

?Dahil sa sobrang lamig, happy massage sa Japan kaliwa’t kanan?

Winter ang season ngayon sa Japan kaya sobrang lamig. Pumunta lang kami kahapon sa Mount Fuji ng mga kasama ko pero hindi na ako rumampa sa ibang lugar dahil overacting ang very cold weather.

Magdamag na gising ang mga tao sa lugar ng hotel na tinuluyan namin. Daring ang mga babae sa kalye dahil sa bawat sulok, may mga pabulong na nag-aalok ng happy massage. Siyempre, hindi ako nakatanggap ng offer dahil mga mhin lamang ang inaalok nila ng happy massage.

Pauleen ilang araw na lang, misis na misis na

At dahil rumarampa ako sa Japan, na-miss ko ang telecast kahapon sa Eat Bulaga ng wedding primer nina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Ilang araw na lang, magiging official Mrs. Vic Sotto na si Pauleen kaya may-I-share nila sa fans ang kanilang love story.

Confirmed na confirmed ang pagdalo ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa pag-iisang dibdib nina Bossing at Pauleen dahil dumating na siya kahapon sa Pilipinas.

I’m sure, touched na touched si Pauleen dahil tinupad ni Pia ang pa­ngako nito na dadalo sa most important event sa kanyang buhay.

Malalim ang friendship ng dalawa na nagsimula noong mga bagets at members pa sila ng Star Circle ng ABS-CBN. Marami nang pinagdaanan sina Pauleen at Pia hanggang matupad ang dream nito na maging Miss Universe at si Pauleen na malapit nang maging Mrs. Universe ng buhay ni Bossing.

vuukle comment

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

JAPAN

KATYA SANTOS

MAUI TAYLOR

MGA

MISS UNIVERSE

MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH

PAULEEN

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with