^

PSN Showbiz

Felix Manalo may advance ticket selling, kaliga ng Avengers, Twilight, at iba pa

Salvi V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagawa ng isa pang unprecedented move para sa isang local film sa pamamagitan ng tinatawag na advance ticket selling ang Viva Films at ang kanilang partner cinemas para sa monumental epic bioflick na Felix Manalo simula sa Lunes, September 28.

Pinamahalaan ng multi-award-winning director na si Joel Lamangan sa pangunguna ng versatile actor na si Dennis Trillo sa lead role ng Iglesia ni Cristo founder at first executive minister na si Ka Felix Manalo, ang pinaka-pinag-uusapang pelikula ay kaliga o kahanay na ngayon ng foreign blockbuster behemoths gaya ng The Avengers, Twilight, at Hunger Games series dahil dito.
Ang nasabing advance ticket selling ay available sa mahigit 300 na sinehan sa buong bansa para maayos at makaiwas ang mga gustong manood ng  Felix Manalo sa pagsisiksikan sa opening day, October 7.

Ang premiere night na gaganapin sa October 4 sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ay inaasahang dadaluhan ng 30,000 to 40,000 guests. Kabilang sa numerong ito ang mahigit 100 artistang may special roles sa pelikula.

Ang mala-higanteng okasyon, na mapapanood sa isang five-storey high (120 meters by 40 meters) screen, ay naglalayon ding magtala ng dalawang Guinness Book of World Records para sa largest audience attendance in a film premiere at film screening.

Kampo ng kalaban ni Sen. Grace nakita raw ka-meeting ni Sheryl

Bagaman itinanggi na ni Sheryl Cruz na may kulay pulitika ang pag-iingay niya laban sa pinsang si Sen. Grace Poe, pero totoo kayang nakitang kausap nito sa mga nakalipas na araw ang kampo ng kalaban ng kanyang pinsan?

Ayon sa isang source, naispatan umano ang aktres sa isang “breakfast meeting” kasama si dating Congressman JP dalawang linggo na ang nakakaraan sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Itinanggi naman ni Sheryl na “nakipag-dinner” siya sa isang panayam sa DZMM noong Huwebes (Sept. 25).

Pinanindigan ng aktres na sumikat noong huling bahagi ng 80’s na para sa bayan umano ang kaniyang pag-iingay tungkol sa sinasabing pagiging “hilaw” ng pinsan na maging pangulo ng bansa.

Sa halip na kundenahin, respeto at pagmamahal naman ang isinukli ni Grace at ng inang si Susan Roces sa pang-aagaw eksena ng dating ka-love team ni Romnick Sarmienta.

Sinasabing inggit ang pinag-ugatan sa pang-aagaw ng eksena ng aktres dahil na rin sa usapin ng mana sa kanilang pamilya.

Pastillas hindi apektado kahit nilalait at tinatawag na malandi, tuloy ang paghahanap ng bagong dyowa

Tuloy ang paghahanap ng ‘forever’ ni Pastillas Girl sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Hindi man perpekto, hangarin niya pa ring makahanap ng lalaking karapat-dapat sa kanya at tatanggapin siya ng buong-buo. Kaya naman ganun na lang ang pagkilatis niya sa kanyang manliligaw na sina Topher, Jess, at Evan. Hindi lang siya ang tutok sa pagkilatis sa kanila kung hindi pati na rin ang netizens. In fairness, araw-araw ay trending ang official hashtag ng programa sa pagdagsa ng tweets na nagpapahayag ng lalaking kanilang sinusuportahan.

Kanya-kanya sila ng manok at kanya kanya rin ng paandar para paangatin ang napipisil nilang maging bagong Mr. Pastillas. Gamit ang hashtag na #TOPHERever, todo suporta ang netizens kay Topher dahil naniniwala ang mga ito na sincere ang binata sa nararamdaman para sa dalaga at likas na mabait at mabuting tao.

Underdog naman kung tratuhin ng fans ang ga­ling pang Bacolod na si Jess. Gamit ang hashtag na #JESStiny, nilalaban nila na si Jess ang pipiliin ni Pastillas Girl dahil sa angking karisma nito at sense of humor.

Hindi naman pahuhuli ang fans ni Evan na naniniwalang kayang ibigay ng hunky sales agent ang pag-ibig na #EVANlasting kay Pastillas Girl. Patuloy naman sa pagkilatis sa tatlo ang hosts ng  It’s Showtime sa pamamagitan ng iba’t ibang interviews at pakulo.

Mainam na gawin nila ito dahil tama lang na patunayan ng lalaki na malinis ang intension niya sa babae. Inaasahan namang mas bukas na ang puso ni Pastillas Girl sa kanila sa mga susunod na araw lalo pa’t nakuha na niya ang closure na hinahanap sa kanyang ex-boyfriend.

Kaya ang payo nila kay Pastillas Girl, kilatisin niya pa ang tatlong manliligaw niya para siguradong hindi na siya masasaktan muli. Sa kabila ng batikos sa kanya, kailangan niya makapili ng lalaking tatanggapin siya ng buong buo. Marami man ang namba-bash kay Pastillas Girl online at inaakusahan siyang malandi at kung ano ano pa, aminin natin na marami ang nakaka-relate sa kanya dahil tulad ng maraming babae, gusto niya lang makahanap ng matinong lalaki na aalagaan siya at hindi lolokohin.

So makahanap kaya siya sa Araneta?

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARANETA COLISEUM

DENNIS TRILLO

EVAN

FELIX MANALO

GAMIT

NIYA

PARA

PASTILLAS

PASTILLAS GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with