^

PSN Showbiz

Alden totoo na ang kilig kay Yaya Dub!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nag-rejoice na naman kahapon ang AlDub fans dahil muling nagkita nang personal sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, kahit sandali lang.

Nagtagpo ang dalawa sa basement parking ng Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga na live na napanood sa national television.

Mataas na naman ang ra­ting kahapon ng Eat Bulaga dahil inabangan ng buong Pilipinas ang encounter nina Yaya Dub at Alden.

Kung si Yaya Dub ang kinilig sa unang pagkikita nila ni Alden noong nakaraang Sabado, si Alden naman ang kinilig kahapon. Malapit nang maniwala ang fans na may nararamdaman na ang dalawa para sa isa’t isa, lalo na si Alden na matagal nang loveless.

Donald Trump solung-solo na ang Miss Universe

Wala nang kasosyo sa Miss Universe Organization ang controversial businessman na si Donald Trump. Mismong si Trump ang nag-announce na siya na ang sole owner ng Miss Universe Organization dahil binili na niya ang share ng NBC Network.

“Just purchased NBC’s half of The Miss Universe Organization and settled all lawsuits against them. Now own 100% -- stay tuned!” ang proud statement ng kapangalan ni Donald Duck.

Si Pia Wurtzbach ang ipadadala ng Bb. Pilipinas Charities Inc. sa Miss Universe sa susunod na taon.

Ex na actor may trauma pa aktres na bungangera, selosa at bayolente, nakauto ng aktor na may lahi

Selosa at possessive ang aktres na girlfriend ng aktor na may lahi.

Nagsisimula pa lamang ang relasyon ng dalawa at in love na in love ang aktor kaya hindi pa nito napapansin ang hindi magandang ugali ng kanyang girlfriend.

Sa presscon ng isang television show, abot sa langit ng mga papuri ng aktor sa kanyang actress girlfriend.

Maghintay tayo ng ilang buwan kung hindi magbabago ang pagkakakilala ng aktor sa dyowa niya.

Hindi yata nagtanong o nag-imbestiga ang aktor kaya hindi niya batid na bungangera, selosa, may violent streak at sakim ang aktres kaya iniwanan ito ng ex-boyfriend na aktor din.

Na-trauma ang ex-boyfriend sa pi­ling ng aktres. Mula nang maghiwalay sila, ang ex-boyfriend ang gumagawa ng paraan para huwag magkrus ang landas nila ng ex-girlfriend dahil ayaw niya na maalaala pa ang nakaraan na isa raw sa mga pangit na episode ng kanyang buhay.

Kuya Boy, naging emosyonal sa pagbabu ng Startalk

Maraming salamat sa lahat ng mga tumang­kilik sa Startalk sa loob ng dalawang dekada.

Pormal na nag-babu kahapon sa telebisyon ang Startalk na bahagi na ng kasaysayan bilang longest entertainment talk show ng Pilipinas.

Ang aking taos-puso na pasasalamat sa mga tao na walang sawa na sinuportahan at sinubaybayan ang Startalk, lalo na ang mga binabati ko sa show mula noong 1995 hanggang 2015 Thank you kay Boy Abunda na nagpadala kahapon ng napakagandang bulaklak sa studio ng Startalk at nagpaunlak na magpainterbyu kahit talent na siya ng ABS-CBN.

Naging emosyonal si Kuya Boy sa farewell episode ng Startalk at nahawa ako sa kanya dahil ramdam na mula sa puso ang kanyang mga pahayag. Si Kuya Boy, ako at si Kris Aquino ang mga original host ng Startalk.

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

ALDEN RICHARDS

ANG

DONALD TRUMP

EAT BULAGA

KUYA BOY

MISS UNIVERSE

MISS UNIVERSE ORGANIZATION

STARTALK

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with