^

PSN Showbiz

Hunk actor buking ng mga OFW ang kabaklaan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang bansang ayaw tantanan ng pagyeyelo ay markado na ang pangalan ng isang kilalang hunk actor. Siya ang ginagawang pulutan ng mga kababayan nating OFW sa nasabing bansa, siya rin ang paboritong pagkuwentuhan sa agahan, tanghalian, at hapunan.

Nakarating din kasi sa kanila ang makasaysayang kuwento ng paghihiwalay nila ng isang magandang young actress na naglalagi sa mayelong bansa.

Hindi ‘yun maitatago sa kanila dahil nakararating du’n ang mga kuwentong-showbiz, ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga artista, pati ang mga tsismis kung sino ang karelasyon nito.

Nu’ng minsang ipinadala ng kanyang network ang hunk actor sa napakalamig na bansang ‘yun ay malayuan siyang pinagtsitsismisan ng mga kababayan natin.

Naalala kasi ng mga ito ang kuwento tungkol sa nakarelasyon niya. Biglang pumasok sa kanilang utak ang pangalan ng isang male singer na sinasabing dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Nu’ng mag-show sa isang mall ang male singer na ikinokonek sa hunk actor, e, may isang Pinoy na hindi nakapagpigil na magtanong sa kanya, ‘Kumusta na kayo ni ____(pangalan ng hunk actor)?’

“Napahiya ‘yung singer, dinedma lang ang tanong sa kanya,” kuwento ng aming source na nagbalikbayan lang mula sa nagyeyelong bansa.

May isang OFW na nakakakilala sa hunk actor, bumangka ito sa kuwentuhan ng grupo ng mga Pinoy nu’ng minsan, ito mismo ang nagkumpirma na bata pa lang ang hunk actor ay Neneng na ang tawag sa kanya ng marami sa kanilang lugar.

Kuwento ng dating kapitbahay ng hunk actor, “Malamya kasi siyang kumilos, kumekembot pa kung maglakad. Kahit nu’n pa, kilalang-kilala na siya sa pangalang Neneng.”

Ubos!

Ayaw patulan ang mga paninira Sen. Grace hindi mahilig sa patola,

puro upo ang kinakain

Hindi pa man sumasagot-pumapayag si Senadora Grace Poe para kumandidatong bise-presidente ng Liberal Party ay sangkatutak nang negatibong kuwento ang iniimbento ng kanyang mga kalaban.

Hindi pa man ay ginagawa na siyang target, inuupakan na ang senadora, ipinakakalat ng mga walang magawang maganda sa buhay ang mga kuwento ng kanyang diumano’y pagiging lasengga, malupit sa mga kasambahay at ang pinakamatindi, minsan na raw sumailalim sa proseso ng rehabilitasyon ang primera senadora nu’ng nakaraang eleksiyon.

Halatang-halata na puro kathang-isip lang ang mga paninirang ‘yun. Nu’ng hindi pa pumapasok sa mundo ng pulitika ang ale ay napakatahimik ng kanyang buhay, ni wala ngang kuwentong nalalaman nu’n ang ibang tao tungkol sa kanya dahil pribado siyang namumuhay, pagkatapos ngayon ay lulutang ang mga inimbentong kuwento tungkol sa kanyang pagkatao at imahe?

Ni hindi pa nga sumasagot si Senadora Grace Poe sa partido Liberal, wala pang nakatitiyak kung siya na nga ang makakahawak-kamay ni DILG Secretary Mar Roxas sa entablado de kampanya, pero nagsisimula na ang makinarya ng mga kalaban para sa pangwawasak sa kanya.

Mabuti na lang at hindi palakain ng patola ang senadora, mas nasasarapan siyang kumain ng upo, kaya buhay na buhay ang kanyang pagrerespeto sa mga mas nakatatanda sa kanya.

Hindi na lang niya pinapatulan ang negatibong palutang ng mga kumakalaban sa kanya dahil mas kilala niya ang kanyang sarili. Alam niya ang katotohanan at ‘yun ang pinakamahalaga.

Sa nangyayaring ‘yan kay Senadora Grace Poe ay lalo lang lumilinaw na ngayon pa lang ay takot na takot na sa kanya ang makakasabong niya sa halalan. Sino ba ang winawasak? Sino ba ang sinisira?

‘Di ba’t ang mga buung-buo lang?

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ANG

HINDI

HUNK

ISANG

KANYA

KANYANG

LANG

MGA

SENADORA GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with